Nakasama ni MPBL founder Senator Manny Pacquiao (gitna) sa larawan sina Commissioner Kenneth Duremdes, assistant Commissioner Satar Macantal, operations head Zaldy Realubit at team coordinator Emer Oreta.
Imus susukatan ang Davao sa MPBL
Francisco Cagape (Pang-masa) - June 14, 2018 - 12:00am

Tatabla sa mga buwenamanong Muntinlupa at Marikina

MANILA, Philippines — Pagkakataon naman nga­yon ng  Imus Bandera na subukan ang baguhang Davao Occidental Tigers, habang magtatagpo ang kapwa expansion teams na Laguna Heroes at Zam­boanga Valientes sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League An­ta Datu Cup sa Laguna Sports Complex.

Haharapin ng Imus Ban­dera ang Davao Tigers ngayong alas-7 ng ga­bi at magtatagpo naman ang mga baguhang Laguna Heroes at Zamboanga Valientes sa alas-9.

Tiyak na papangunahan ang Imus Bandera ni coach Jerry Codiñera nina El­mer Mykiel Cabahug, Matthew Bernabe, John Es­calambre, Paolo Ponte­jos, Chester Ian Melencio, Orly Daroya, Jomari Sol­lano, Wilson Baltazar, Francis Musayac at Jerwin Gaco.

Ipaparada rin ni mentor Don Dulay ng Davao Tigers sina Mario Leoni­da, James Regalado, Bonbong Custodio, Jerold Ca­banog, Leo Najorda, Ar­nold Adormeo, Billy Rob­les at Mark Yee.

Samantala, nagwagi ang Anta Rajah Cup runner-up na Muntinlupa Cagers laban sa paboritong Mandaluyong El Tig­re, 86-74, sa pagbubukas ng ikalawang confe­rence ng home and away league noong Martes sa Smart Araneta Coliseum.

Kahit sina Bobby Ray Parks, Jr. at Jeff Javillonar ay walang nagawa sa so­lid na depensa at opensa ng Cagers.

Umiskor si Chito Jaime ng 17 puntos, habang 16 naman kay Allan Ma­ngahas na may kasamang anim na rebounds, limang assists at dalawang steals para sa Cagers ni coach Al­drin Morante.

Umani rin ng double-double performance si Felix Apreku sa kanyang 10 puntos at 16 rebounds at 12 naman mula kay Dave Moralde para sa magandang simula ng Muntinlu­pa na hangad ang titulo matapos matalo sa finals sa Batangas noong naka­raang An­ta Rajah Cup.

Si Parks, ang dating UAAP MVP at back-to-back ABL MVP, ay tumapos na may 21 puntos, 10 rebounds at apat na assists sa kanyang unang laro sa MPBL, habang si Javillo­nar ay may 15 puntos pa­ra sa El Tigre.

Sa ibang laro, nasungkit ng Marikina Shoema­kers ang 88-81 pa­nalo kon­tra sa Gene­ral Santos City Warriors upang ma­kisosyo sa Muntinlupa sa li­derato sa pa­reho nilang 1-0 kartada.

 

MPBL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with