Pacquiao magugulpi ni Crawford
Russsell Cadayona (Pang-masa) - June 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa pambubugbog na ginawa ni Terence Crawford kay Australian Jeff Horn noong nakaraang Linggo, maski si Manny Pacquiao ay makakatikim sa bagong American world welterweight champion.

Kaya naman ayaw ni Top Rank Promotions CEO Bob Arum na isa­gu­pa ang 30-anyos na si Craw­ford sa 39-anyos na si Pacquiao.

Tinalo ni Crawford (33-0-0, 24 KOs) si Horn (18-1-1, 12 KOs) via ninth-round TKO victo­ry para agawin sa Austra­lian ang suot nitong World Boxing Organization welterweight crown sa MGM Grand.

Halos hindi makilala ang 30-anyos na si Horn dahil sa bugbog na inabot niya kay Crawford.

Ang nasabing WBO welterweight title ay ina­gaw ni Horn kay Pacquiao mula sa kanyang una­nimous decision win noong Hulyo ng nakaraang taon sa Brisbane, Australia.

Imbes na si Pacquiao (59-7-2, 39 KOs) ang ita­pat kay Crawford ay mas gusto ni Arum na ilaban ang batang si Jose Benavidez Jr. (27-0-0, 18 KOs) sa bagong WBO welterweight king.

 

TERENCE CRAWFORD
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with