Pacquiao-Matthysse ticket mabilis na naubos
Russell Cadayona (Pang-masa) - June 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mula nang buksan ang bentahan ng tiket noong Hunyo 7 ay mabilis na naubos ang mga panguna-hing silya para sa bakbakan nina Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao at world welterweight king Lucas Matthysse sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito ang inihayag ni Mohd Fairuz Ibrahim, ang Operations Director ng MPKL Events, hinggil sa pag-uunahan ng mga boxing fans na makakuha ng magandang puwesto sa nasabing laban nina Pacquiao at Matthysse.

“The initial sales are encouraging and we are thrilled by the strong response and support from boxing fans across the region especially the international fans who purchased the tickets in bulk,” wika ni Ibrahim.

“We are expecting the excitement to further build over the weekend as fans spread the word to other fans who may not have read the news on the ticket sales,” dagdag pa nito.

Inaasahang mapupuno ang naturang venue sa araw ng upakan ng 39-anyos na si Pacquiao (59-7-2, 39 KOs) at ng 35-anyos na si Matthysse (39-4-0, 36 KOs).

Itataya ng Argentinian superstar ang kanyang suot na World Boxing Association welterweight crown sa pagharap kay Pacquiao.

Hangad ni Pacquiao na maagaw kay Matthysse ang hawak nitong titulo matapos maisuko ang bitbit na World Boxing Organization welterweight belt kay Jeff Horn noong Hulyo ng 2017.

Ang nasabing korona ay hinubad naman ni Te-rence Crawford kay Horn via ninth-round TKO victory noong Linggo.

MANNY PACQUIAO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with