Uunti-untiin ni Fortune si Pacquiao
Chris Co (Pang-masa) - June 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Slowly but surely.

Ito ang programang inihanda ni Australian strength and conditioning expert Justin Fortune kay eight-division world champion Manny Pacquiao para sa paghahanda nito laban kay World Boxing Association welterweight champion Lucas Matthysse sa Hulyo 14 sa the Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayaw ni Fortune na biglain ang katawan ni Pacquiao upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang pangyayari partikular na ang injury na maaaring makaapekto sa kanyang laban.

Hindi gaya ng mga dating training camp ni Pacquiao, mas maagang nagsimula ang pagsasanay ng Pinoy hero para maaabot ang tamang ‘peak’ sa tamang panahon.

“It (starting early) turned out to be a good thing to do. We started sparring as early as last week but on a staggered and shortened frequency,” wika ni Fortune.

Sumailalim na sa ilang serye ng sparring si Pacquiao kasama sina Australian George Kambosis Jr., Arnel Tinampay at Ricky Sesmondo.

Apat na rounds ng sparring ang pinagdaanan ni Pacquiao noong nakaraang linggo na itinaas pa sa anim na rounds.

Inaasahang iaangat pa ito sa walong rounds sa susunod na linggo bago itulak sa 10 at 12 rounds sa huling bahagi ng training camp.

“He’s doing well and will peak soon. We want to implement the program slowly but surely,” dagdag ni Fortune.

Maliban sa sparring, may iba’t ibang aktibidad pa si Pacquiao sa labas ng ring gaya ng mitts at speed ball.

Ngunit tiniyak ni Fortune na maging ang off-the-ring activities ni Pacquiao ay ginagawa nito sa marahan na paraan.

Hindi rin mawawala ang road work na ginagawa ni Pacquiao sa Acharon Sports Center at sa Maasim Hills sa Sarangani Province.

JUSTIN FORTUNE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with