^

PM Sports

Original Sanggres may sarili nang production

Veronica Samio - Pang-masa
Original Sanggres may sarili nang production
Diana Zubiri, Karylle, Sunshine Dizon at Iza Calzado

MANILA, Philippines — Aakalain mo ba na ang serye ng GMA na Encantadia ay magbubuklod ng husto sa apat na artistang babae na gumaganap ng roles ng mga sanggre na sina Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri at Sunshine Dizon so much so na naging dahilan  ito para itayo nila ang Sanggre Productions? Kasama rin nila sa grupo ang direktor nila ng Encantadia na si Mark Reyes. Hindi masasabi na kaya natayo ang Sanggre Productions ay para bigyan silang apat ng trabaho dahil pare-pareho naman silang may ginagawa at nakatakdang gawin pa. Hindi pa lang masabi kung ano ang tipo ng pelikula na gagawin nila, kung aksyon ito na tulad ng sam-sama nilang ginawa o drama na kung saan ay magkakahiwalay silang kinikilala o baka isa ring musical na unti-unti nang nauuso ngayon.

Miss Makati hindi kailangang mag-bikini

Aba, baka next time ay dagsain na at marami nang sumali sa paligsahang Miss Makati dahil hindi dito kinakailangang magsuot ng swimsuit ng mga kandida para lang sila manalo at maging kinatawan ng Makati. Hindi rin nila kinakailangang nakatira sa nasabing lungsod, pwedeng dito lang sila nagtatrabaho o nagaaral. O di ba, ang lakas maka-engganyo? Dalawang Miss Makati ang pipiliin, ang Miss Makati 2018 at Miss Makati Tourism 2018 sa isang koronasyon na magaganap sa June 6 sa Globe Circuit Event Grounds.

TNT judges di umarte ng tama

Sina AiAi delas Alas at Lani Misalucha ang dalawa sa tatayong hurado sa The Clash ng GMA, isang paligsahan sa pag-awit na malapit nang mapanood. Sana maging behave sila sa kanilang pagdya-judge at hindi nagtatatalon kapag umaayon sa mga pinili nila ang mga pinipili rin ng nagpapadala ng boto sa pamamagitan ng text na tulad ng nangyari sa Tawag ng Tanghalan. Hindi bagay sa ginagampanan nilang roles bilang judges ang mga aksyon nila. Tsk. Tsk. Tsk.

Susan at Dulce nag-jack n poy!

Isa sa pinaka-magandang kasalan na dinaluhan ko ay ang kasal ng anak ng kaibigan kong sina Guisio at Jo See na sina Jeuz Cassidyat Louiza Aileen See na ginanap nung June 2 sa Mary The Queen Church. Isa sa ninang sa kasal ay si ABS CBN bossing na si Charo Santos Consio. Naroon rin ang pinaka-matagal nang kaibigan ng pamilya  See na si Susan Roces at si Dulce na pinahanga ang  lahat ng bisita sa kanyang pagkanta.

It was one wedding reception na kung saan ay nagkaro’n ng jack n poy game na nakasali pati sina Susan at Dulce. Game na game sila kahit natalo sila at napunta sa iba ang premyong P8,000, maliit na premyo pero, milyon ang katumbas na kasiyahan sa lahat.

DIANA ZUBIRI

IZA CALZADO

KARYLLE

SUNSHINE DIZON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with