^
Thompson, iguodala alanganing makalaro
Sina Klay Thompson at Andre Iguodala.

Thompson, iguodala alanganing makalaro

(Pang-masa) - June 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa sigurado kung makakalaro na sina guard Klay Thompson at forward Andre Iguodala para sa Golden State sa Game 2 ng kanilang best-of-seven NBA Finals series kontra sa Cleveland nitong Linggo.

Nagtamo si Thompson ng left ankle sprain nang ma-undercut siya ni Cavaliers guard JR Smith sa isang play sa first quarter ng 124-114 overtime win ng Golden State sa Game 1 noong Huwebes.

Hindi nakalaro si Iguodala sa huling limang playoff game ng Golden State dahil sa injury sa kaliwang tuhod.

Si Thompson na nagawang tapusin ang Game 1 na may 24 points ay nakitang paika-ika sa practice ng Warriors noong Sabado.

“My ankle is just sore. It’s a little stiff at the moment, but I’m going to do what I can in the next 20 hours or so to loosen it up as much as possible, get some stability back,” sabi ni Thompson sa mga reporters. “I’m optimistic for tomorrow.”

Ukol sa status ni Iguodala, sinabi ni Warriors coach Steve Kerr na, “Just day-to-day. I don’t, we don’t think about what’s going to happen later on. It’s just each day he’s getting a little better. He’s still doubtful for tomorrow, but making some strides.”

Ang 2015 NBA Finals MVP ay nag-ave-rage ng 7.9 points, 4.9 rebounds, 3.1 assists at 1.4 steals sa 13 games ngayong postseason. Huling lumaro si Iguodala sa Game 3 ng Western Conference finals series ng Golden State kontra sa Houston Rockets.

At dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni LeBron James ang mapait na overtime loss ng Cleveland sa Game 1, siguradong sasamantalahin ng Cavaliers ang posibleng ‘di paglalaro nina Thompson at Iguodala para makabawi.

ANDRE IGUODALA KLAY THOMPSON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with