Si Manny Pacquiao habang nag-eensayo.
MP Promotions
Pacquiao maigting na ang pagsasanay
(Pang-masa) - May 30, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maganda ang panga­ngatawan at halos nasa kondisyon na.

Ito ang paglalara­wan ni strength and con­ditioning coach Justin Fortune kay Manny Pacquiao sa pag-een­sa­­yo ng Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao bilang paghahanda sa paghaha­mon kay world welterweight titlist Lucas Matthysse ng Argentina.

Matapos ang ka­nilang ensayo ay itinuloy naman ni Pacquiao, si­nasanay ni Filipino trai­­ner Buboy Fernandez, ang kanyang pag­pa­papawis sa pamama­gi­tan ng paglalaro ng bas­­ketball.

Nakaugalian na ito ng Senador kahit si Fred­die Roach pa ang kan­yang chief trainer.

Nakatakdang hamu­nin ng 39-anyos na si Pac­quiao (59-7-2, 39 KOs) ang 35-anyos na si Matthysse (39-4-0, 36 KOs) sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa kanyang huling la­ban ay nakalasap si Pac­quiao ng unanimous de­cision loss kay Jeff Horn kung saan naisuko niya ang suot na WBO welterweight crown no­ong Hulyo ng nakaraang taon sa Brisbane, Aus­tralia.

Hangad naman ni Pac­quiao na maagaw kay Matthyssse ang bitbit nitong WBA belt.

Sa obserbasyon ni Matthysse ay halos pa­reho sila ng istilo ni Pac­quiao.

“It is a contest that I like because of our si­milar styles and because we are of the same height,” wika ng Argen­ti­nian superstar.

Kagaya ni Pacquiao ay kuntento din si Matthysse sa panahon ng kan­yang paghahanda.

“I already have a month concentrated in the United States after trai­ning for two months in Argentina,” wika ni Mat­thysse.

Ang WBA welterweight king ay sinasa­nay ni Joel Diaz, dating trainer ni Timothy Bradley, Jr.

“I still have a month and a half left, and I’m pre­paring very well. We are very focused on this fight, and people will see the same Lucas Matthysse, who always looks for a good fight.”

MANNY PACQUIAO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with