^

PM Sports

Iloilo naman ang pasasayahin ng PBA

Mae Balbuena - Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos dayuhin ng PBA ang Mindanao sa Da­vao Del Sur para sa Mindanao leg at ang mga taga-Batangas para sa Luzon leg ng PBA All-Stars, ang mga taga-iloilo naman ang susunod.

Sasagupain naman ngayon ng Smart All-Stars ang Visayas Selection na gaganapin sa University of San Agustin Gym.

Alas-7:00 ng gabi sisimulan ang pagtatapat ng Visayas All-Stars ni coach Chito Victolero at Smart Gilas squad ni coach Nash Racela.

Nakabawi ang Smart All-Stars sa 130-144 ka­biguan sa Mindanao Selection sa Digos City, ma­tapos ang 152-149 panalo sa Luzon Selection kamakalawa ng gabi sa Batangas City Coliseum.

Sa pagkakataong ito, hindi sa Smart National team lalaro si June Mar Fajardo kundi pangungunahan niya ang Visayas All-Stars bilang isang Cebuano kasama ang kapwa niya Gilas team members na sina Kiefer Ravena at Terrence Romeo.

Makakasama nina Fajardo, Ravena at Rosario si­na James Yap, Asi Taulava, Chris Ross, Greg Slaughter, JR Quiñahan, Jeff Chan, Emman Monfort, Jericho Cruz at Ronald Tubid na pumalit sa may injury sa tuhod na si Joe Devance.

Pangungunahan naman nina Japeth Aguilar, Cal­vin Abueva, Troy Rosario, Jayson Castro at Mat­thew Wright ang Smart Gilas team kasama si­na  Carl Bryan Cruz, Mac Belo, Allein Maliksi at Jio Ja­lalon na pumalit kay Roger Pogoy.

Bukod sa mga regular activities na meet and greet at basketball clinics, lilibot din sakay ng mo­tor­cade ang buong delegasyon bago ang outreach program sa mute and deaf community.

Inaasahang hindi bibiguin ang mga Ilonggo ng kanilang mga produktong sina Monfort, Cruz, Ra­vena, Tubid at Yap na tubong Escalante ngunit sa Iloilo nag-high school.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with