^

PM Sports

Sta. Ana lilipat sa Letran

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mula España patu-ngong Intramuros.

Ito ang tatahaking daan ni dating University of Santo Tomas standout Jordan Sta. Ana.

Inihayag ni Colegio de San Juan de Letran head coach Jeff Napa na nakausap na nito si Sta. Ana para maglaro sa kaniyang koponan sa NCAA.

“I am in talks with Sta. Ana. He already committed to play for Letran,” wika ni Napa.

Hindi na bago ang magandang relasyon nina Napa at Sta. Ana.

Nahawakan na ni Napa ang naturang guard sa loob ng tatlong taon sa Nazareth School of National University noong naglalaro pa ito sa juniors division.

Kaya naman hindi na sorpresa sa ilan ang pagpasok ni Sta. Ana sa kampo ng Knights.

Noong nakaraang linggo, isiniwalat ni Sta. Ana ang paglisan nito sa UST dahil sa umano’y personal na kadahilanan.

“We may part our ways for now, but I know that God has planned something better for us. I am lifting it all up to him, because I know that He is the only one who knows what will be in the future,” wika ni Sta. Ana sa kaniyang Twitter post.

Kung matutuloy ang pagpasok ni Sta. Ana sa Letran, mayroon pa itong three-year playing eligibi-lity sa NCAA. 

vuukle comment

COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with