^

PM Sports

Handang-handa na sina Ancajas at Sultan

Pang-masa
Handang-handa na sina Ancajas at Sultan
Nasa larawan sina (mula kaliwa pakanan) Jerwin Ancajas, Top Rank Chief Bob Arum at Jonas Sultan sa press conference ng kanilang laban ngayon.

FRESNO, Ca. - - Kapwa nagpahayag ng ka-handaan sina reigning IBF superflyweight champion Jerwin Ancajas at challenger Jonas Sultan sa sagupaang wala nang atrasan.

Pero kahit liyamado at maraming pabor na siya ang mananalo sa Sabado (Linggo sa Manila), ayaw magkumpiyansa ng IBF superflyweight champion na si Ancajas laban kay Sultan.

Muling nagkaharap sina Ancajas at Sultan nitong Huwebes sa press conference sa Tioga Sequioa Brewing Company para sa kanilang 12-round encounter na gaganapin sa Save Mart Center dito.

Naniniwala si Ancajas (29-1-1, 20 KOs) na ang mga Pinoy boxers ay magagaling at mahirap kalaban. Kaya’t inaasahan niyang pahihirapan siya ng kanyang challenger.

“Para sa akin, ang mga Filipino boxers ay all out pag lumalaban, mahirap kalaban sa ibabaw ng ring, kaya naghanda akong mabuti para maibigay ang lahat ng makakaya ko, gaya ng ginawa ko sa mga nakaraang laban,” lahad ni Ancajas.

Ang nasabing 12-round championship bout ay mula sa promosyon ng Top Rank, katuwang ang MP Promotions ni fighting Sen. Manny Pacquiao at ng ALA Boxing Stable.

Para naman kay Sultan (14-3), kahit sinong boksingero ay pangarap ang mapalaban sa championship at ngayong nasa harapan na niya ang pangarap, hindi na umano niya pakakawalan ang pagkakataon.

“Ito ‘yung pangarap ko (championship fight). Pinag-aralan namin mabuti ‘yung style ni Ancajas at ito na ang opportunity ko na gawin ang lahat para manalo,” ani Sultan.

Samantala, sinabi ni Top Rank promoter Bob Arum na malamang na sakaling manalo si Ancajas, ay may dalawang laban pa itong nakatakda ngayong taon.

“Ancajas’ next fight would be in September or October. Remember we are in a position now where we are doing two or three fights every year, so the thing now we’re looking for is talent who appeal to the people but who can also fight triple time. So that used to be one, two fights. Now all our main fighters fight at least three and many of them are going to fight four times, title fights. We have the platform now to make that happen, so definitely Jerwin will have two more fights this year,” paliwanag ni Arum.

Sa Biyernes ng hapon (Sabado sa Manila) gaganapin ang official weigh-in ng laban, kung saan ang mga opisyal ay sina Wayne Hedgpeth ng Los Angeles (reperi), Jonathan Davis, Daniel Sandoval at Zachery Young (judges).

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with