^

PM Sports

Phl Navy-Standard Insurance dinomia ang 2018 Le Tour

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagdomina ang Philippine Navy-Standard Insurance sa pagpapamalas ng makasaysayang stint sa katatapos lamang na 9th Le Tour de Filipinas kamakalawa.

Galing sa kanilang koponan ang nag-uwi ng overall title sa natatanging karera sa bansa na sanctioned ng International Cycling Union (UCI) sa katauhan ng rising cyclist star na si El Joshua Cariño.

Bukod sa kanya, nag-podium finish din ang kapwa Navyman na si Ronald Oranza sa ikatlong puwesto habang pumang-apat naman ang isa pa nilang kakampi na si Jan Paul Morales.

Tanging ang Eritrean na si Metkel Eyob ng Terrenganu Cycling Team lamang ang nakasingit sa Top 4 upang patirin ang 1-2-3 finish sana ng Philippine Navy.

“Kaya din naman pala namin ‘yung international races,” ani Navy coach Reinhard Gorrantes na waring pasaring sa kanilang mga kritiko.

Sa Ronda Pilipinas nito lamang Marso na pinagkampeonan din ng Navy matapos ang 1-2-3 finish nina Oranza, Morales at Junrey Navarra, nagduda ang iba na mga kapwa Pinoy lamang ang kayang talunin ng koponan.

Iyan ang dahilan kung bakit ang top 5 racers nila sa Ronda ang pinadala sa Le Tour na nilahukan din ng hindi lamang mga Pinoy kundi ng 10 ring koponan mula sa iba’t ibang bansa upang patunayan ang kanilang kilatis at tatag sa Philippine cycling scene.

At batay sa resulta ng 640-kilometrong Le Tour mula Quezon City patungo sa Palayan City sa Nueva Ecija, Bayombong sa Nueva Vizcaya, Lingayen sa Pangasinan hanggang sa Baguio City, Benguet, tila madiin na “silencer” ang ibinato nila sa mga kritiko.

“Ang sa amin nalang, we do the best we can kasi pinag-ensayuhan namin ito at pinaghirapan. Lahat kami,” ani Gorrantes sa gitna na rin ng kampeonato ng Navy sa team general classification.

Dahil sa pambihirang tagumpay sa Ronda at Le Tour, hiling sana ni Gorrantes na ma-consider ang kanyang mga siklista sa national team.

“Sana po ‘yung mga riders tulad nila Oranza, Morales at Cariño ay mabigyan ng break na makapasok sa national team para ma-represent nila ang Asian Games at Sea Games,” aniya.

Ngunit habang wala pa ang pagkakataong iyon, nanamnamin muna ng Navy ang tagumpay bilang the best cycling team ng bansa ngayon lalo’t isa itong regalo sa 120th anniversary ng Philippine Navy noon lamang Martes.

vuukle comment

LE TOUR DE FILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with