^

PM Sports

Caligdong kinuha ng Perpetual

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinuha ng University of Perpetual Help System Dalta ang serbisyo ni Azkals legend Emelio “Chieffy” Caligdong upang palakasin ang football program ng Altas para sa National Collegiate Athletic Association.

Optimistiko ang pamunuan ng Perpetual Help na madadala ni Caligdong ang malalim nitong karanasan sa Las Piñas-based squad na naglalayong maibalik ang titulo sa kanilang teritoryo.

Nagkampeon ng dalawang beses ang Perpetual Help noong 1989 at 1996.

Ngunit bigo ang Altas na makakuha ng kampeo-nato sa mga sumunod na taon.

Kaya naman umaasa ang Altas na malaki ang maitutulong ni Caligdong para makabuo ng matikas na koponan sa mga susunod na edisyon ng liga.

Pinalitan ni Caligdong si Aaron Carlos Nebreja.

“We feel that a legend like Chieffy Caligdong could help us revive out football program and possibly win us an NCAA championship if not this year, but in the near future,” wika ni Perpetual Help team owner Dr. Antonio Tamayo.

Sa katunayan, ilang manlalaro mula sa Barotac Nuevo sa Iloilo ang dadalhin ni Caligdong para isama sa lineup ng Perpetual Help.

Ang Iloilo ang isa sa itinuturing na pinagmumulan ng mahuhusay na football players sa bansa.

 “He will bring in several players from Barotac Nuevo and we’re excited of the team’s future already,” dagdag ni Tamayo.

Pursigido ang Perpetual Help na mapataas ang kalidad ng sports sa kanilang unibersidad.

Nauna nang kinuha ng Altas sina dating San Beda coach Frankie Lim na siyang magpapatakbo sa basketball at dating St. Benilde mentor Macky Cariño na hahawak naman sa volleyball.

vuukle comment

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with