^

PM Sports

Balipure gusto rin sa itaas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makisalo sa liderato ang tatangkain ng BaliPure sa pagharap sa BanKo-Perlas ngayong hapon sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Season 2 Reinforced Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Magkukrus ang landas ng Water Defenders at Perlas Spikers sa alas-4 kasunod ang bakbakan ng Iriga-Navy at nagdedepensang Pocari-Air Force sa alas-6:30 ng gabi.

Matapos lumasap ng opening-game loss, kumana ang Water Defenders ng dalawang sunod na panalo sa likod ni import Janisa Johnson para kapitan ng reigning Open Conference champions ang No. 3 spot tangan ang 2-1 baraha.

Nangunguna ang Creamline at PayMaya na parehong may 3-1 kartada.

Inaasahang muling sasandalan ng BaliPure si Johnson kasama sina Nazareth School of National University standouts Faith Nisperos at setter-skipper Joyme Cagande para tapatan ang Perlas Spikers.

Taliwas naman ang kinahinatnan ng BanKo.

Maganda ang simula ng Perlas Spikers nang pataubin nito ang Creamline subalit lumasap ito ng sunud-sunod na kabiguan upang bumagsak sa ilalim ng standings tangan ang 1-3 baraha.

Kaya naman doble kayod ang gagawin nina Amy Ahomiro, Sue Roces, Joy Dacoron at Jem Ferrer para suportahan sina imports Lakia Bright ng Amerika at Jutarat Montripila ng Thailand.

Galing ang Perlas Spikers sa 25-15, 25-18, 18-25, 20-25, 9-15 masaklap na pagkatalo sa Petro Gazz noong Linggo.

Sa men’s division, puntirya ng Instituto Estetico Manila ang ika-3 dikit na panalo sa pagharap sa Vice Co. sa alas-10 a.m.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with