^

PM Sports

3-Pinoy boxers sumuntok ng gold

Chris Co - Pang-masa
3-Pinoy boxers sumuntok ng gold
Ang mga gold medalists na sina Nesthy Petecio, Eumir Felix Marcial at Carlo Paalam sa katatapos na 2018 Konstantin Korotkov International Memorial Boxing Tournament na ginaganap sa Khabarovsk, Russia.

MANILA, Philippines — Maningning na uuwi ang national boxing team na nakasukbit ang tatlong ginto, isang pilak at isang tansong medalyang napanalunan sa 2018 Kons-tantin Korotkov International Memorial Boxing Tournament na ginanap sa Khabarovsk, Russia.

Nagsubi ng gintong medalya sina Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial (men’s middleweight - 75 kg.), Carlo Paalam (men’s light flyweight - 46-49 kg.) at women’s World Championship silver medalist Nesthy Petecio (women’s 57 kg. category) matapos magtala ng impresibong panalo sa kani-kaniyang dibisyon.

Matapos ang kanyang second-round technical knockout win laban kay Dmitriy Nesteroiv ng Russia sa semifinals, muling humataw si Marcial nang igupo nito si Arman Darchinyan ng Armenia sa kanilang gold-medal match sa bisa ng 5-0 unanimous decision win.

Hindi naman hinayaan ni Paalam na umuwi itong luhaan nang mamayani ito kay Shin Jonghun ng South Korea sa pamamagitan din ng 5-0 unanimous decision victory sa torneong may basbas ng International Boxing Association.

Nakisosyo sa selebrasyon si Petecio makaraang dominahin si Li Ok Byol ng North Korea sa championship round kung saan nakuha ng Pinay boxer ang boto ng lahat ng limang hurado para sa 5-0 unanimous decision win.

Sa kabilang banda, nagkasya sa pilak na medalya si James Palicte nang yumuko ito kay Choe Chol Man ng North Korea sa men’s lightweight-60 kg. class.

Galing naman ang tanso kay Aira Villegas na natalo kay Chang Yuan ng China sa semifinals ng women’s 48-51 kg. class.

Kasama rin sa delegasyon sina Joel Bacho (men’s welterweight - 69 kg.) at SEA Games gold medalist a si Mario Fernandez (men’s bantamweight - 56 kg.) na bigong makapasok sa medal round ng kani-kaniyang kategorya.

Ang paglahok ng national team sa torneo ay bahagi ng paghahanda para sa 2018 Asian Games sa Indonesia mula Agosto 18 hanggang Setyembre 2.

vuukle comment

BOXING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with