Biado-De Luna sibibak ng China
MANILA, Philippines – Tuluyan nang namaalam sa kontensiyon sina reigning World 9-Ball champion Carlo Biado at Jeffrey De Luna makaraang tumupi ang mga ito sa quarterfinals ng prestihiyosong 2018 World Cup of Pool sa Luwan Arena sa Shanghai, China.
Lumasap ang No. 4 seeds na sina Biado at De Luna ng 1-9 kabiguan sa kamay nina unseeded pair Dejing Kong at Ming Wang ng China-B.
Bigo sina Biado at De Luna na masundan ang kanilang impresibong 7-0 demolisyon kontra kina Imran Majid at Mark Gray ng England sa Round-of-16 ng torneong may nakalaang $250,000 kabuuang papremyo kabilang ang $60,000 para sa kampeon at $30,000 naman sa runner-up.
Sina Biado at De Luna ang ikalawang seeded duo na pinatalsik nina Dejing at Ming na sumorpresa kina dating world champion Ralf Souquet at Joshua Filler ng Germany sa second round sa iskor na 5-7.
Hindi uuwing luhaan sina Biado at De Luna dahil magkakamit pa rin ang dalawa ng $9,000 konso-lasyon sa pagpasok sa quarterfinals.
- Latest