Parks binanatan ang MPBL
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - May 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Bumuwelta si Bobby Ray Parks, Jr. sa gitna ng kontrobersyal sa usapin ng pagkakaroon ng Fili­pino-foreign players sa sa­salihan niyang Maharlika Pilipinas Basketball League.

Idinaan ni Parks sa so­cial media ang pagbalikwas niya sa panuntunan ng MPBL na dapat ay isang Fil-foreign na may height na 6-foot-4 lamang ang ma­aaring mag­laro bawat koponan.

No­ong nakaraang linggo  ay umugong ang ulat ng pagsali ng dalawang Filipino-Ams na si­­na Parks at Lawrence Do­mingo sa MPBL expansion team na Mandaluyong.

At kama­kalawa ay nagpahayag si MPBL Com­missio­ner Kenneth Du­rem­des na isa lang da­pat ang maaari kada ko­ponan upang bigyan ng mas malaking pagkakataon ang mga purong Pinoy.

Hindi ito nagustuhan ni Parks na nagsabing si­ya ay Pilipino anuman ang kulay at pinagmulan kaya’t dapat ay ma­ging patas ang turing sa kanilang mga Fil-Ams.

Si Parks ay anak ni legendary PBA import Bobby Parks sa Pinay na si Ma­rifer Celina Barbosa at dito na ipinanganak at lumaki.

Kahit Fil-Am ay ma­­­tatas magsalita ng Ta­­galog si Parks at nag­ta­pos sa National University ba­go s­ubukan ang kanyang bas­ketball ca­reer sa ibang bansa.

“Dahil sa kulay ng ba­lat ko at dahil sa tatay ay Amerikano na dapat ay ikonsider na foreig­ner sa sariling bayan?,” tanong ni Parks sa lide­rato ng MPBL.

Kagagaling lamang ni Parks sa pambihirang kampanya sa Asean Bas­ketball League kung saan niya dinala sa korona ang San Miguel-Alab Pilipinas.

Hinirang siyang Local MVP sa ikala­wang su­­nod na taon ba­go ku­nin ng kanyang dating coach na si Mac Cuan sa Mandaluyong.

 

JR. BOBBY RAY PARKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with