Si Jaja Santiago sa isang laro ng NU Lady Bulldogs sa UAAP.
2 Japanese teams interesado kay Jaja
Chris Co (Pang-masa) - May 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dalawang Japanese volleyball clubs ang nagpa­hayag ng interes kay reigning UAAP Season 80 Most Valuable Player Jaja Santiago.

Hindi inihayag ni Santiago ang eksaktong pa­nga­lan ng dalawang koponan ngunit handa siyang gawin ang lahat upang makahirit ng puwesto sa pa­mosong volleyball league sa Japan.

Ngunit hindi magiging madali ang daang tata­hakin ng 6-foot-5 middle blocker dahil kailangan pa niyang sumalilalim sa tryout para makita nang ha­rapan ng mga Japanese coaches ang kanyang abi­lidad at husay.

Kaya naman nakatakdang magtungo si Santiago sa Japan sa huling bahagi ng buwan para tu­­pa­rin ang kanyang pangarap na makapaglaro sa in­ternational league bilang import.

Tinutulungan si Santiago ni Japanese head coach Shun Takahashi na tumayong assistant coach ng Philippine Superliga Selection na suma­bak sa nakaraang FIVB Women’s Club World Championships noong 2016.

“May dalawang teams na interested. Para sa akin mas maraming opportunities kung sa Japan ako maglalaro. May mga invitations din from coach Shun and other coaches,” wika ni Santiago.

Bago pumasok sa National University noong UAAP Season 76 ay nais na siyang kunin ng University of California (Los Angeles) para maglaro sa US NCAA Division I.

May mga teams din mula sa Chinese-Taipei at South Korea ang nagpaghayag ng intensyon sa dating star player ng Lady Bulldogs.

Bago magsimula ang UAAP Season 80 ay inim­bitahan din si Santiago na maglaro para sa Bangkok Glass sa Thailand Volleyball League.

Subalit tinanggihan ito ni Santiago at nagpas­yang tapusin ang kanyang playing years kasama ang Lady Bulldogs.

Nakaabot sa Final Four ang NU subalit natalo sa De La Salle University sa semifinals.

Nakapaglaro si Santiago sa PSL Grand Prix ka­sama ang Tornadoes na tumapos sa ikatlong puwesto sa likod ng nagkampeong Petron Blaze Spi­kers at sa pumangalawang F2 Logistics Cargo Mo­­vers.

JAJA SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with