Water Defenders nilunod ang Petro Gazz angels
Francisco Cagape (Pang-masa) - May 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nalampasan ng Ba­li­Pure ang hamon ng Pet­ro Gazz, 22-25, 25-23, 28-26, 22-25, 15-12, upang makapasok sa win column sa 2018 Premier Volleyball League Reinforced Con­ference Season 2 kahapon sa FliOil Flying V Center sa San Juan City.

Umiskor ang bagong American import na si Ja­nisa Johnson ng 30 pun­tos, kabilang na ang 26 atake at apat na aces para sa unang panalo ng Water Defenders sa da­lawang laro at ibaon ang Angels sa ilalim ng standings sa 0-3 kartada.

Muling nagpakita ng malaking pag-asa ang 15-anyos na si Mhica­e­la Belen, ang 16-anyos na si Alyssa Solomon at ang 18-anyos na si Prin­cess Robles para bu­mangon sa kanilang 23-25, 23-25, 25-22, 19-25 pag­katalo sa Iriga City no­ong Mayo 9.

“We are surviving. This is a young team ang I’m glad we won. It seemed to be a nice wel­coming for me. I’ll try to help this team. Hopefully, we get better and make it to the top,” sabi ng 26-anyos na si Johnson para sa BaliPure.

Matapos maunahan sa first set ay bumawi ang Water Defenders, bi­nubuo ng NU High School squad na nagreyna sa UAAP juniors, sa su­nod na set para mai­tab­la ang laro.

Sa third set  ay umani ang BaliPure ng 15 ata­ke at limang service aces para pangunahan ang laban sa 2-1.

Sa hataw ni Johnson ay natapos ang laro sa mahigit dalawang oras.

Sa men’s division, na­sungkit ng Instituto Es­tico Manila ang ikala­wang panalo matapos igu­po ang PLDT Home Fibr, 14-25, 25-21, 22-25, 25-22, 15-12, at nag­wa­gi ang nagdedepensang Cignal HD laban sa Vice Co. Blockbusters, 25-23, 20-25, 25-23, 25-21.

2018 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with