Magnolia dinala sa kasa ang Dyip
Russell Cadayona (Pang-masa) - May 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Hangga’t maaari ay gus­tong bigyan ng farewell party ng Magnolia si import Vernon Macklin pa­ra sa kanyang huling da­lawang laro.

Inilampaso ng Hotshots ang Columbian Dyip, 126-101, para sa ka­nilang ikalawang dikit na panalo sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Co­liseum.

Tumapos si Macklin na may 19 points para sa 2-1 ba­raha ng Magnolia, habang nadiskaril ang ha­ngad na back-to-back wins ng Columbian para ma­hulog sa 3-3.

Nakatakdang iwan ni Macklin ang Hotshots ma­tapos tumanggap ng isang guaranteed contract sa National Basketball League ng China.

“I think every game I wanna play my best. It’s a tough situation, it’s a bitter sweet move for me playing my last two games,” wika ni Macklin.

Gagawin ng dating Ba­rangay Ginebra reinforcement ang kanyang hu­ling laro sa pagsagupa ng Magnolia sa Meralco bukas sa Big Dome.

Nag-ambag sina Paul Lee, Ian Sangalang at Mark Barroca ng tig-17 points para sa tropa ni coach Chito Victolero, na­kahugot din ng 12 at 11 mar­kers kina Aldrech Ramos at Jio Jalalon, ayon sa pagkakasunod.

Huling napasakamay ng Columbian ang bentahe sa 8-7 mula sa jumper ni Reden Celda sa 8:49 ng first period.

Matapos ito ay kuma­mada ang Hotshots para ang­kinin ang 19-point ad­vantage, 37-18, sa pag­sa­sara ng nasabing yugto.

Ang three-point shot ni Jalalon ang lalo pang nagbaon sa Dyip sa 63-32 sa 6:32 minuto ng se­cond period.

Tinapos ng Magnolia ang first half hawak ang 72-43 kalamangan.

“It’s a battle of defense versus our offense. Ma­ganda ‘yung mindset ng mga bata. Maganda ‘yung start namin,” ani coach Chito Victolero.

Binanderahan ni import John Fields ang Columbian mula sa kanyang 22 points at 19 boards kasunod ang 19 at 12 mar­kers nina Jerra­my King at Rashawn McCarthy, ayon sa pagkakasunod.

 

 

COLUMBIAN DYIP HOTSHOTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with