Allein Maliksi, James Yap at Terrence Romeo
Romeo, Yap tangkang agawin ang korona ni Maliksi
(Pang-masa) - May 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang mga sniper ang mag-aagawan para sa ko­rona ng Three-Point King sa 2018 All-Star Weekend.

Kasali sa kompetis­yon ang mga dating kam­peon na sina sco­ring guard Terrence Romeo ng TNT Ka­tropa at two-time PBA Most Valuable Pla­yer James Yap ng Rain or Shine.

Dalawa lamang sina Romeo at Yap sa mga ha­hamon sa nagdede­pen­sang si Allein Malik­si ng Blackwater.

Nakopo ni Maliksi ang korona noong naka­raang taon sa Lucena Ci­ty matapos daigin ng dating University of Santo Tomas shooter si­na LA Tenorio ng Barangay Ginebra at Romeo mula sa pagsalpak sa huling money ball sa finals.

Maliban kina Romeo at Yap, ang iba pang mag­tatangkang agawan ng titulo si Maliksi ay si­na Marcio Lassiter  ng San Miguel, Matthew Wright ng Phoenix, Paul Lee ng Magnolia, JVee Ca­sio ng Alaska, Larry Fonacier ng NLEX, Stan­ley Pringle ng Glo­bal­port at Ronald Tubid ng Columbian Dyip.

“We’ll see. There’s a lot of great competitors out there. Hopefully, I could bag one in,” sabi ni Lassiter. “Definitely, it’s going to be a fun weekend.”

Si Niño Canaleta ng Me­ralco ang pumalit naman sa may injury na si Garvo Lanete.

Ang three-point shoot­out competition ay ihahanay sa slam dunk contest at obstacle course sa Mayo 25 sa Ba­tangas City para sa second leg ng All-Star week.

Determinado naman si Romeo na mabawi ang korona na kanyang isi­nuot noong 2015 at 2016 bago ito inagaw ni Ma­liksi sa sumunod na taon.

Isa si Romeo, ang UA­AP MVP ng Far Eas­tern University, sa li­mang players na nanalo ng 3-Point Shootout title ng dalawa o higit pang beses.

Ang iba pa ay sina Mark Macapagal (2010-2012 at 2014), Jimmy Ala­pag (2003 at 2005), Bo­yet Fernandez (2000 at 2001), Jasper Ocampo (1998 at 1999) at ang namayapang si RicRic Ma­rata (1994 at 1996).

ALLEIN MALIKSI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with