Tangkang umiskor ni James Har-den ng Houston laban kay Karl-Anthony Towns ng Minnesota.
Umusad na ang Rockets
(Pang-masa) - April 27, 2018 - 12:00am

Cavs tinakasan ang Pacers

HOUSTON - Kumamada si James Harden sa third quarter para tulungan ang Rockets na sibakin ang Minnesota Timberwolves, 122-104 sa Game 5 ng kanilang first-round series.

Humakot si Clint Capela ng 26 points at 15 rebounds, habang tumipa si Harden ng 24 points para akayin ang Houston sa second round at lalabanan ang mananalo sa pagitan ng Utah Jazz at Oklahoma City Thunder.

Pinamunuan ni Karl-Anthony Towns ang Timberwolves mula sa kanyang 23 points at 14 rebounds at nagdagdag si Jamal Crawford ng 20 points mula sa bench.

Sa Cleveland, nalagay sa panganib ang season ng Cavaliers.

Ngunit hindi ito hinayaang mangyari ni LeBron James.

Nagsalpak si James ng isang three-pointer sa pagtunog ng final buzzer para akayin ang Cleveland sa 98-95 paglusot sa Indiana Pacers sa Game 5.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Cavaliers para umabante sa second round ng Eastern Conference playoffs.

Matapos supalpalin ang go-ahead layup ni Victor Oladipo na sinabi ng Pacers na goaltending ay kinuha ni James ang inbounds pass, nag-dribble ng dalawang beses at isinalpak ang kanyang winning triple laban kay Thaddeus Young.

“As a kid you always have those 3, 2, 1 moments and that’s what it kind of felt like,” sabi ni James. “I felt like I was a kid all over again playing basketball at my house on makeshift hoops and my socks as a basketball.”

Tumapos si James na may 44 points, 10 rebounds, 8 assists at tumipa ng 15 of 15 sa free throw line.

Sa Oklahoma City, nagpasabog si Russell Westbrook ng 33 sa kanyang 45 points sa second half para pangunahan ang Thunder sa pagbangon mula sa 25-point deficit at resbakan ang Jazz, 107-99 sa Game 5.

Inilapit ni Westbrook ang Oklahoma City sa 2-3 sa kanilang serye ng Utah.

Nagtala rin si Westbrook ng 15 rebounds at assists, habang umiskor si Paul George ng 34 points para sa Thunder, pinuwersa ang Jazz sa Game 6 sa Salt Lake City sa Sabado (Manila time).

JAMES HARDEN NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with