Teh pasok sa FIBA
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - April 27, 2018 - 12:00am

May karagdagan na tao ang ating bansa sa FIBA organization sa katauhan ni Andrew Teh.

Dahil nakilala sa kanyang magandang paghawak sa logistics ng mga nakaraang FIBA events sa ating bansa, naimbita si Teh na mapasama sa roster ng Technical Delegates na nagpapatakbo ngayon ng mga laro sa FIBA World Cup qualifiers.

Isa sa tatlong Southeast Asians na kasama sa 26-man group, si Teh ang nagpatakbo ng China-Hong Kong game sa Nanjing at ang China-New Zealand match sa Dongguan.

Of course, top man na Filipino sa FIBA organization si SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan na nakaupo sa FIBA Central Board. Deputy chairman ng legal commission si Atty. Aga Francisco, miyembro ng medical commission si Dr. Raul Canlas at pasok sa elite na grupo ng international referees si Bong Pascual.

Liban sa pagiging FIBA Technical Delegate, team manager din si Teh ng Batang Gilas na nakatakdang sumalang sa 2018 FIBA U-17 World Championship sa Argentina.

***

Maagang naapula ang pangamba sa kahandaan ni Justin Brownlee para sa Game Three ng ABL finale sa pagitan ng San Miguel Alab Pilipinas at Mono Vampire.

“To everyone asking Justin Brownlee is good to go for next game,” ani Sheryl Sanchez Reyes (ahente ng premyadong import) sa kanyang Twitter account.

Kinailangang bumalik sa dugout at ma-miss ang mahabang parte ng fourth quarter nang makaramdam ng hindi maganda matapos mag-dive sa paghabol ng loose ball sa Game Two ng title playoff noong nakaraang gabi sa Sta. Rosa, Laguna.

Olats ang Alab, 100-103 at nakuha ng Mono Vampire ang homecourt advantage sa serye. Maaa-ring makuha ng Mono Vampire ang korona kung masu-sweep nila ang dalawang sunod na laro sa kanilang teritoryo sa Thailand.

Hindi lang Alab fans, kung hindi mga panatiko rin ng Barangay Ginebra ang ninerbyos nang masaktan si Brownlee. Hindi sikreto na option ni coach Tim Cone na muling paglaruin si Brownlee bilang import sa PBA Commissioner’s Cup.

Magsisimula ang Ginebra ng kanilang kampan-ya sa second conference na si Charles Garcia ang import. Unang salang nila ang laban kontra sa Rain or Shine sa Linggo sa Big Dome.

Maaari rin naman manatili si Garcia hanggang sa katapusan ng torneo kung maganda ang kanyang ipapakita.

FIBA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with