^

PM Sports

POC na ang mag-aalaga sa mga karatekas

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itinalaga ng Philippine Olympic Committee ang beteranong coach na si Jobet Morales ng taekwondo upang pamahalaan ang pagsasanay ng mga atleta sa karatedo bilang paghahanda sa darating na 2018 Asian Games at sa iba’t ibang international competitions.

Kabilang sa responsibilidad ni Morales ay ang masiguro na mabigyan ng sapat na opportunidad ang mga karatekas ng national team na sumali sa mga darating na kumpetisyon.

Itinalaga si Morales matapos magdesisyon ang POC sa pamumuno ni Ricky Vargas na direkta na nitong pa-ngangalagaan ang national karatedo team bunga sa pagbawi ng World Karate Federation sa kanilang recognition sa Philippine Karate Federation.

“We need to get the best athletes to represent the country and leadership or membership issues should not disenfranchise them. If the POC can assure this, then we are willing to take on the challenge,” sabi ni Vargas.

Dumulog naman ang mga atleta ng karatedo sa opisina ni Vargas noong Lunes upang sabihin ang kanilang pangamba at hinaing dulot ng mga gusot na kinakasangkutan ng PKF na humantong sa suspensiyon na ipinataw ng Philippine Sports Commission dahil sa kasong corruption ng mga matataas na opisyales ng association.

Kaya nagpupulong sina Vargas at POC Arbitration and Disputes Commission chairman Robert Aventajado kasama ang representante ng PSC at PKF president Joey Romasanta upang pag-usapan ang problema.

Sa kanilang pagpupulong nagkasundo sina Vargas, Aventajado at PSC na ilagay na sa Olympic body ng bansa ang pangangasiwa sa mga atleta ng PKF.

“The POC will now take charge of the training and other related activities of the national karatekas,” ayon pa kay Vargas.

Sa sulat ni WKF president Antonio Espinos na may petsang Abril 17, 2018, sinabi nitong napagdesisyunan na nila ang pagbawi sa recognition ng PKF-NSA.

Ang naturang desisyon ay kailangan pa umano ng pagpapatibay sa World Karatedo Congress na gaganapin sa Madrid, Spain ngayong Nobyembre 5, 2018.

vuukle comment

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with