^

PM Sports

Zark’s-LPU humirit ng Game 3

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humirit ng winner-take-all Game Three ang Zark’s Burger-Lyceum matapos ang 98-90 tagumpay sa Game 2 ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Aspirants’ Cup kontra sa Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Determinadong mapanatiling buhay ang kanilang kampanya, binulaga ng Jawbreakers ang Revellers sa simula pa lang nang makapagtayo agad ng 21-8 na bentahe.

Hindi na ito binitiwan ng Jawbreakers hanggang sa umalagwa pa ng hanggang 52-32 papasok ng halftime.

Nag-relax na lamang hanggang dulo ang Jawbreakers hanggang sa maselyuhan na ang matamis na paghihiganti matapos ang mapait na 103-107 kabiguan nila ng Game 1.

At pinakamahalaga pa nito, may tsansa ngayon ang Zark’s na makumpleto ang kanilang cinderella run sa sudden death Game 3 upang maging pinakamababang ranggong koponan --sixth seed -- na nakapag-uwi ng titulo sa pitong taong kasaysayan ng semi-professional league.

“Again, we just have to battle our way. Just to have the peace of mind that we know we did our best whatever the outcome is,” ani Coach Topex Robinson.

Katatanghal pa lamang bilang Most Valua-ble Player of the Conference, nagpasiklab si Perez sa kumpletong laro na 15 puntos, pitong rebounds at apat na assists.

Umalalay kay Perez sina Jaycee Marcelino na may 13 puntos gayundin si Mike Nzeusseu na may double double na 11 puntos at 11 rebounds sahog pa ang dalawang supalpal.

Kumamada rin ng 11 puntos, anim na rebounds at limang assists si MJ Ayaay upang pangunahan ang walo pang ibang Jawbreakers na nakaiskor sa naturang laban.

Sa kabilang banda, tumabo naman ng 23 puntos at 10 rebounds si Allyn Bulanadi ngunit kapos pa rin upang madala sa kampeonato ang Revellers.

Mayroon ding 13 puntos si RK Ilagan samantalang nagkasya lamang sa 5 puntos ang Game 1 hero na si Samboy De Leon.

Magbabanggaan ang dalawa sa huling laro sa Game 3 sa Martes kung kailan ang magwawagi ay ang siyang tatanghalin bilang kampeon ng pinaka-prestihiyosong amateur league ng bansa.  

vuukle comment

BASKETBALL

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with