^

PM Sports

Eagles pasok sa finals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling pinataob ng nagdedepensang Ateneo de Manila University ang second seed Far Eastern University, 25-19, 18-25, 25-22, 25-18 upang dagitin ang hu-ling tiket sa finals ng UAAP Season 80 men’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Halimaw si four-time MVP Marck Jesus Espejo nang maglatag uli ng impresibong laro sa kanyang 37 puntos buhat sa 34 attacks at tatlong blocks kalakip pa ang 10 digs para buhatin ang Blue Eagles patungong finals.

Nakatuwang ni Espejo sa opensa si open hitter Ron Medalla na nagdagdag ng siyam na puntos gayundin sina Karl Baysa at Chumason Njigha na may pinagsamang 15 puntos.

Solido rin ang kumbinasyon nina setter Ish Polvorosa na gumawa ng 40 excellent sets at libero Manuel Suma-nguid na umani ng 25 receptions at 19 digs para sa Blue Eagles.

Dismayadong winakasan ng Tamaraws ang kampanya nito na pumasok sa semis bitbit ang twice-to-beat advantage subalit bigo pa ring makahirit ng tiket sa finals.

Nasayang ang pinag-hirapang 14 puntos ni Redijohn Paler at 21 puntos mula kina Jude Garcia at JP Bugaoan sa panig ng Tamaraws.

Nauna nang umiskor ang Ateneo ng 18-25, 25-13, 24-26, 25-23, 15-9 panalo sa FEU sa kanilang unang paghaharap sa semis noong Sabado.

Makakasagupa ng Ateneo ang National University sa best-of-three championship showdown sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalimang sunod na taon na maghaharap ang Blue Eagles at Bulldogs sa finals kung saan hawak ng una ang 3-1 kalamangan sa head-to-head.

Nagkampeon ang NU noong Season 76 subalit kinuha ng Ateneo ang tatlong sunod na korona noong Season 77, 78 at 79.

 

vuukle comment

JESUS ESPEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with