^

PM Sports

‘Di na papipigil ang Che’Lu-SSC

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayong abot-kamay na ang kampeonato, hindi na papipigil pa sa pagsungkit sa titulo ang Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian sa Game Two ng kanilang 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Aspirants’ Cup best-of-three Finals series kontra sa Zark’s-Lyceum sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tangan ang 1-0 kartada, ayaw nang pahiritin pa ng Revellers ang karibal na Jawbreakers ng winner-take-all Game Three sa kanilang alas-4 na harapan.

“Kailangan kunin na namin kasi mahirap kalaban ang Zark’s,” ani coach Stevenson Tiu bago ang kanilang potensyal na series closeout bid.

Sasakay ang mga bata ni Coach Tiu sa makapi-gil-hiningang 107-103 tagumpay noong Game One kung saan sa huling minuto lamang sila nakaalagwa.

Ito ay sa kabila ng pagkawala ng pambatong si Jeff Viernes na nakakuha ng call-up mula sa PBA team na Globalport Batang Pier.

Nagrerehistro ng 18 puntos kada laro, bahag-yang ininda ng Revellers ang produksyon ni Viernes nang mahirapang kumawala sa palaban na Jawbreakers.

Sa kabutihang palad, sumaklolo si Samboy De Leon na tumapos ng 18 puntos kabilang na ang panlamang na tres sa huling minuto.

Aasa ng tulong si Coach Tiu mula sa mga beteranong sina Alfred Batino at Michael Calisaan matapos ang malaki ring ambag na 17 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod, noong Game One upang matapos na ang serye.

Ngunit hindi iyon magiging madali lalo’t gutom ang Jawbreakers na makaganti.

Ang kabiguan sa Game One ang unang galos ng Zark’s sa post-season matapos ang apat na sunod na panalo upang mabansagang never say die team bilang sixth seeded team na nakapasok sa Finals.

Gigiyahan nina Jc Marcelino at Mike Nzesseu ang atake ng koponan ni Coach Topex Robinson matapos pumukol ng 23 at 19 puntos, ayon sa pagkakasunod sa nakaraang laro.

Inaasahan ding babawi ang lider at top Most Valua-ble Player contender na si CJ Perez matapos malimitahan sa malamyang walong puntos lamang na naging malaking dagok para sa koponan.

Kung magwawagi ngayon, ang Che’Lu ang matatanghal na ikapitong koponang nakapag-uwi ng titulo sa kasaysayan ng D-League simula nang maitatag noong 2011.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with