Buwenamanong panalo ng Meralco
MANILA, Philippines — Saglit lamang nakapagdiwang ang Columbian Dyip.
Diniskaril ng Meralco Bolts ang hangad na back-to-back win ng Dyip matapos tangayin ang 116-103 panalo sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Humakot si 2016 PBA Best Import Arinze Onuaku ng 30 points, 19 rebounds at 4 blocks para sa 1-0 record ng Meralco kasabay ng paghuhulog sa Columbian sa 1-1 baraha.
Nabigo ang Dyip na maduplika ang impresibong 126-98 paggupo sa Blackwater Elite noong Linggo.
“I’ve been in the hospital for four days and to come out here and play like this is such a blessing. My teammates played really well,” sabi ni Onuaku. “We just have to be tough on defense and coach (Norman Black) talked about that during the halftime.”
Ipinoste ng Columbian ang 10-point lead, 41-31, mula sa three-point shot ni Carlo Lastimosa sa 8:32 minuto ng second period bago nakabangon ang Meralco sa second quarter para maagaw ang 57-56 bentahe sa halftime.
Tinangay ng Bolts ang 85-79 bentahe sa gitna ng third period hanggang iposte ang 11-point lead, 101-90, sa 6:02 minuto ng final canto mula sa ikaapat na triple ni Niño Canaleta.
Tuluyan nang gumuho ang pag-asa ng Dyip na makadikit nang isalpak ni Jared Dillinger ang isang tres para sa kanilang 108-96 kalamangan sa huling 1:41 minuto ng bakbakan.
MERALCO 116 - Onuaku 30, Newsome 18, Salva 13, Canaleta 12, Dillinger 11, Hodge 8, Amer 7, Hugnatan 7, Caram 4, Sedurifa 4, Tolomia 2, Ballesteros 0.
Columbian Dyip 103 - Aiken 21, Lastimosa 16, McCarthy 16, Camson 15, Celda 14, King 12, Tubid 4, Khobuntin 2, Cahilig 2, Corpuz 1, Ababou 0, Escoto 0, Sara 0.
Quarterscores: 25-31; 56-57; 85-79; 116-103.
- Latest