^

PM Sports

F2 Logistics, Petron target ang sweep

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa asam ng top seed F2 Logistics at second seed Petron Blaze na walisin ang kanilang magkahiwalay na best-of-three semifinal matches ngayon para muling magharap sa Finals ng 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Tangan ang parehong 1-0 bentahe, haharapin ng Cargo Movers ang Foton Tornadoes sa alas-4:15 ng hapon habang magtatagpo naman ang Petron Blaze Spikers at Cocolife Asset Managers sa alas-7 ng gabi.

Nakuha ng Petron ang Game One sa pamamagitan ng 25-18, 23-25, 25-16, 25-23 panalo kontra sa Asset Managers noong Martes kaya isang hakbang na lang ang kulang upang muling tumuntong sa Finals sa ikalawang sunod na taon.

Kung natatandaan, nagharap ang F2 Logistics at Petron sa finals ng PSL Grand Prix noong nakaraang taon kung saan nagwagi ang Cargo Mo-vers, 2-1.

Samantala, nasungkit naman ng Cargo Movers ang 25-22, 25-23, 22-25, 25-22 panalo kontra sa Foton Tornadoes para sa 1-0 kalamangan sa kanilang sariling serye noong Martes din.

Umiskor ang Amerikanong import na si Kennedy Bryan ng Cargo Movers ng 15 atake at 15 naman mula kay Maria Jose Perez para mabalewala ang 22 puntos na ginawa ni Channon Thompson ng Foton.

Kahit ang pagbabalik ni Jaja Santiago ay hindi pa ito sapat para patumbahin ang reigning champion na Cargo Movers na nakakuha rin ng tulong mula kina Cha Cruz, Cherry Nunag at Aby Maraño.

Ang Amerikanong import na si Elizabeth Wendel ay gumawa rin ng 15 puntos at 10 puntos din mula sa 6’5 na si Santiago para sa Tornadoes.

vuukle comment

F2 LOGISTICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with