^

PM Sports

Che’Lu amoy na ang korona ng D-League

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Che�Lu amoy na ang korona ng D-League
Walang humarang kay Jayvee Marcelino ng Zark’s Burger-LPU para sa kanyang layup laban sa Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian.
PBA Images

MANILA, Philippines — Pinigil ng Che’Lu Bar and Grill-San Se­bas­tian ang Zark’s Bur­ger-Lyceum sa Game One, 107-103, para sa 1-0 abante sa kanilang best-of-three championship series sa 2018 PBA De­ve­lopmental League As­pirants’ Cup kahapon sa Pasig Sports Center.

Tabla pa ang laban sa 101-101 sa huling 1:18 minuto sa orasan nang magtarak si Samboy De Leon ng nagliliyab na tres para ibigay sa Re­vellers ang bahagyang 104-101 kalamangan.

Bagama’t inilapit ni Most Valuable Player front runner CJ Perez ang Jawbreakers sa 103-104 agwat matapos ang dalawang free throws, gumanti naman kaagad si Michael Calisaan ng pang-selyong lay-up sa huling 28 segundo para sa 106-103 bentahe ng Revellers sa natitirang 28 segundo sa laro.

May tsansa pa sa­nang tumabla ang Zark’s ngunit sablay ang tres ni MJ Ayaay na siyang nagbigay daan sa split ni Allyn Bulanadi para sa Che’Lu at sa pinal na 107-103 iskor.

Bunsod nito, lumapit ng isang panalo ang Re­vellers para sa asam na kampeonato kahit wala na ang pambato na si Jeff Viernes na umakyat sa PBA para sa Globalport Batang Pier.

“Tsina-challenge ko ang guards na even wa­la si Jeff. We can still win and they proved it. Good comeback for our team,” wika ni head coach Steven­son Tiu sa kanyang Che’Lu.

Pinangunahan ni De Leon ang balanseng ata­ke ng Revellers mula sa itinalang 18 points na may sahog pang 5 rebounds at 3 assists.

Nag-ambag naman ng 17 points  at 10 rebounds si Alfred Batino gayundin si Calisaan na may 15 markers at 12 rebounds, habang may tig-13 sina Ryan Costelo at Bulanadi.

Samantala, napatid na­man na ang ‘Cinde­rella run’ ng Zark’s sa kabila ng ipinosteng 23 points at 8 rebounds ni Jaycee Marcelino.

Humakot naman ng 19 points, 11 rebounds, 2 steals at 3 blocks si Mike Nzeusseu.

Maaari nang angkinin ng Che’Lu ang koro­na sa panalo sa Game Two bukas.

vuukle comment

CJ PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with