Na-Foul si Anthony Davis ng New Orleans ni Jusuf Nurkic ng Portland.
Tinapos na ng Pelicans
(Pang-masa) - April 23, 2018 - 12:00am

NEW ORLEANS – Tuluyan nang tinapos ng Pelicans ang kanilang first-round playoffs series ng Portland Trail Blazers sa pamamagitan ng sweep.

Umiskor si Anthony Davis ng 33 sa kanyang franchise playoff-record na 47 points sa second half para pamunuan ang Pelicans sa 131-123 panalo sa Blazers sa Game Four.

“In a close-out game and then the magnitude of the situation, this is probably the best game he’s played since I’ve been here,” wika ni New Orleans coach Alvin Gentry kay Davis na tumipa ng 12 points isa huling limang minuto ng laro sa 4-0 pagsibak sa Portland.

Tumipa si Davis ng 12 points isa huling limang minuto ng laro sa 4-0 pagsibak sa Portland.

“Nagpasabog naman si Jrue Holiday ng 41 points na tinampukan ng isang 18-footer na nagbigay sa New Orleans ng six-point lead laban sa Portland sa huling 40 segundo ng laro.

Sa Miami, hinirang si Ben Simmons bilang unang rookie matapos si Magic Johnson noong 1980 na nagposte ng playoff triple-double at nagtala si JJ Redick ng 24 points para igiya ang Philadelphia 76ers sa 106-102 panalo laban sa Heat at kunin ang 3-1 lead sa kanilang Eastern Conference first-round series.

Bumawi ang Philadelphia mula sa 10-point de-ficit para agawin ang se-ven-point lead sa likod ng inihulog na 19-2 bomba para talunin ang Miami.

Sa Minneapolis, kumonekta si Jimmy Butler ng apat na 3-pointers para tumapos na may 28 points at kumolekta si Karl-Anthony Towns ng 18 points at 16 rebounds para igiya ang Minnesota Timberwolves sa 121-105 panalo laban sa Houston Rockets sa Game Three para sa una nilang postseason victory sa loob ng 14 taon.

Nagdagdag si Jeff Teague ng 23 points kasunod ang 20 markers ni Andrew Wiggins para maduplika ng Timberwolves ang NBA best na 3-point shooting team sa kanilang 15 triples.

Sa Salt Lake City, tumapos si Ricky Rubio na may triple-double mula sa kanyang 26 points, 11 rebounds at 10 assists para sa unang playoff triple-double sa nakaraang 17 taon ng Utah at nag-ambag si Donovan Mitchell ng 22 points para pangunahan ang Jazz sa 115-102 pagdaig sa Oklahoma City Thunder at kunin ang 2-1 lead sa kanilang first-round series.

PORTLAND TRAIL BLAZERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with