^

PM Sports

Palit na agad ng import

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi pa man nagsisimula ang 2018 PBA Commissioner’s Cup ay nagpalit na ng kanilang mga import ang Barangay Ginebra at NLEX.

Nagdesisyon si head coach Tim Cone na bitawan si balik-import Shane Edwards at tapikin ang mas malaking si Charles Garcia para sa pagsabak ng Gin Kings sa torneong may height limit na 6-foot-10 para sa mga imports.

Kinuha naman ng Road Warriors ni mentor Yeng Guiao si Jamaican big man Adrian Forbes habang hinihintay ang pagdating ni dating NBA player Arnett Moultrie, kasalukuyang nagla-laro sa Bahrain.

Ani Cone, ang two-time PBA Grand Slam champion coach, posibleng sa gitna pa ng elimination round maaaring maglaro ang 7-foot center na si Greg Slaughter dahil sa left ankle injury nito.

Si Edwards, dating naglaro para sa Alaska, ay isang natural wingman na hindi maaaring makipagsabayan sa mga 6’10 reinforcements ng ibang koponan.

Nakatakdang magharap bukas ng alas-4:30 ng hapon ang Blackwater at Columbian Dyip kasunod ang salpukan ng TNT Katropa at Globalport sa alas-6:45 ng gabi sa Big Dome.

Ang 6’10 at 230-pounder na si Garcia ay isang undrafted player noong 2010 NBA Draft at naglaro sa NBA Development League para sa Utah Flash.

Matapos sa NBA D-League ay nagtungo ang 29-anyos na si Garcia sa Mexico para maglaro sa Potros ITSON hanggang Enero ng 2011.

Nagbalik siya sa NBA D-League noong Abril ng 2011 para tulungan ang Iowa Energy bago lumipat sa Sioux Falls Skyforce at sa Fort Wayne Mad Ants.

Huling nakita sa aksyon ang produkto ng Riverside City College at Seattle University para sa Austin Spurs sa NBA D-League noong 2016-17 season.

Maliban kay Garcia, ang iba pang bagong imports na matutunghayan sa 2018 PBA Commissioner’s Cup ay sina Troy Gillenwater ng nagdedepensang   San Miguel, Antonio Campbell ng Alaska, CJ Aiken ng Columbian Dyip, dating Kia at Reggie Johnson ng Rain or Shine.

Magbabalik naman sina Arinze Onuaku (Meralco), Malcolm White (Globalport), Jarrid Famous (Blackwater), James White (Phoenix) at Vernon Macklin (Magnolia).

vuukle comment

IMPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with