PSL semis cast kumpleto na
Francisco Cagape (Pang-masa) - April 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Maghaharap ang second seed Petron Blaze at third seed Cocolife habang ang top seed F2 Logistics at fourth seed Foton Tornadoes ay magtatagpo sa best-of-three semifinal series simula sa Martes  sa 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nakumpleto na ang semifinal cast matapos magwagi ang Foton Tornadoes kontra sa Sta. Lucia Lady Realtors, 25-22, 25-23, 25-19 noong Martes ng gabi para makapasok sa susunod na round.

Nauna na ring pumasok ang Cocolife Asset Managers sa semis bunga ng kanilang 25-22, 25-21, 28-26 panalo kontra sa Cignal HD sa quarterfinals noong isang araw.

Humataw si Channon Thompson ng Trinidad and Tobago ng  26 puntos kabilang na ang 24 atake at dalawang aces na may kasama pang 15 excellent receptions habang si Dindin Santiago-Manabat ay tumulong ng 11 puntos para isara na ang pintuan para sa Lady Realtors sa loob ng isang oras at 28 minuto.

“Ang F2 Logistics ay isang well-oiled machine malakas na kalaban natin ‘yan pero syempre may mga lapses pa rin ‘yan so we need to pounce on those lapses,” sabi ni Foton coach Rommel Abella.

Sa una nilang pagtatagpo, sinabon ng F2 Logistics ang Foton, 25-18, 23-25, 25-20, 25-16 noong Marso 17 at sinundan pa ng three-sets  na panalo sa second round ng elimination, 25-17, 25-18, 25-17 noong Abril 10 kaya tangan ng Cargo Movers ang psychological edge.

PSL SEMIS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with