^

PM Sports

Hernandez, Pacquiao tiwala sa isa’t isa

Pang-masa

MANILA, Philippines – Imbes na si coach Freddie Roach na siyang nakasanayang laging katabi ni Manny Pacquiao  sa mga press conference ng kanyang mga laban ay si Buboy Hernandez ang kasama niyang humarap sa media sa official launching ng kanilang laban ni Lucas Matthysse sa July 15 sa Malaysia.

Bagama’t itinatanggi ni Pacquiao na wala na sa eksena ang batikang coach, wala ni anino ni Roach ang dumating sa press conference ng laban na ginanap sa City of Dreams kahapon.

Buong pagkukumbabang tumayo sa podium si Hernandez sa likod ng malakas na pagtsi-cheer ng kanyang mga tagasuporta sa loob ng Grand Ballroom ng naturang venue.

“Malaking responsibilidad ang nasa balikat ko,” sabi ng kababata at matagal nang assistant trainer ni Pacquiao.

At siyempre, tiwala siya sa kakayahan ng kanyang kaibigan na mapagtagumpayan ang napipintong laban sa edad na 39-gulang.

“Puno lang ang tumatanda, bata pa ang fighter ko,” ang binitiwang salita ni Hernandez.

Parehong sinabi nina Pacquiao at Hernandez na puwede pang pumasok si Roach sa eksena.

 “Habang wala pa yung kapitan ng barko, bilang assistant, gampanan muna natin yun. Kasi ang final words pa din na kay senador,” ani Hernandez. (CBV)

Related video:

vuukle comment

BUBOY HERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with