SMB-Alab Pilipinas asam ang finals
Francisco Cagape (Pang-masa) - April 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hangad San Miguel-Alab Pilipinas na sungkitin ang unang finals slot sa kanilang muling paghaharap kontra sa Hong Kong Eastern Lions ngayon  sa Game Two ng kanilang best-of-three semifinal series sa Sta. Rosa Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

Tangan ang 1-0 bentahe serye, malakas ang loob ng tropa ni head coach Jimmy Alapag na tapusin na ang serye upang pumasok sa best-of-five championship series at lampasan ang kanilang semifinal finish noong nakaraang taon.

Kung makukuha na ang finals berth, makakaharap ng Alab Pilipinas ang mananalo sa semifinal match ng top seed Chong Son Kungfu China at Mono Vampire Thailand kung saan lamang din ang mga Thais matapos magwagi noong Miyerkules,103-94 sa Nanhai, China.

Nag-ambag ng apat na puntos mula sa free throw line sina Renaldo Balkman at Justin Brownlee sa krusyal stretch ng laro upang pataubin ang nag-depensang Eastern Lions, 98-94, upang pangunahan ang serye, 1-0, sa homecourt ng Lions noong Miyerkules din.

Sa kanilang panalo, nakaganti ang Alab Pilipinas sa dalawa nilang talo sa Hong Kong sa elimination round kaya ayaw na nina Balkman at Brownlee na mag-aksaya pa ng oras.Muling aasa si Alapag kina Balkman na umiskor ng 46 puntos, ang pinakamataas sa playoff history ng liga at Brownlee na gumawa ng 16 puntos.

Muling aasa si Alapag kina Balkman na umiskor ng 46 puntos, ang pinakamataas sa playoff history ng liga at Brownlee na gumawa ng 16 puntos.

SMB-ALAB PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with