SMB-Alab, Lions mag-uunahan sa 1-0 lead
Francisco Cagape (Pang-masa) - April 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malaking hamon para kina imports Renaldo Balkman at Justin Brownlee ng San Miguel-Alab Pi­lipinas ang kanilang pagharap laban sa nagde­depensang Hong Kong Eastern Lions sa Game One ng best-of-three semifinal series nila sa 8th ASEAN Basketball League sa Southorn Stadium sa Wan Chai, Hong Kong.

Sa unang pagkakataon ay makakaharap nina Brownlee at Balkman ang mga imports ng Hong Kong na sina Tyler Lamb, Marcus Elliott, Ryan Moss at Christian Standhardinger sa kanilang pag­ta­tagpo ngayong alas-8 ng gabi.

Hangad ni coach Jimmy Alapag na ma­lampasan ang kanilang semifinal finish sa naka­raang taon kung saan winalis sila ng Singapore Slingers, 0-2.

Magtutuos naman ang top seed Chong Son Kungfu ng China at No. 4 seed Mono Vampire ng Thailand sa homecourt ng Chinese team.

Kung matatandaan ay dalawang beses inilam­pa­so ng Hong Kong ang Alab Pilipinas sa elimina­tion round, ang una ay 92-89, sa Mall of Asia Are­na at ang ikalawa ay 99-96 sa homecourt ng Eas­tern Lions.

Ngunit hindi pa sina Balkman at Brownlee ang imports ng Alab kundi sina Ivan Johnson at Reggie Okosa kung saan nag-umpisa ang tropa ni Alapag sa mahinang 1-4 kartada.

“It’s gonna be a show.  Just like every day, eve­ry night. We go out and give a show for the fans. It’s gonna be a good one. They haven’t seen us yet, it will be our first time playing them, their first time playing us,” sabi ng 33-anyos na si Balkman ng Puerto Rico.

RENALDO BALKMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with