Pacquiao tuloy ang relasyon sa Top Rank
Russell Cadayona (Pang-masa) - April 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magpapatuloy pa rin ang relasyon ni Manny Pacquiao kay Bob Arum ng Top Rank Promotions.

Bagama’t sinasabi ni Pacquiao na tapos na ang kanyang promotional contract sa Top Rank ay inihayag naman ni Bob Arum na kasama pa din sila sa pagsasaere ng paghahamon ng Filipino boxing icon kay Lucas Matthysse sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“We’re working together on this fight,” wika ni Michael Koncz, ang Canadian business manager ni Pacquiao sa panayam ng ESPN. “They’ve done good for us for a long time, and we’ve done good for them for a long time. So we’re working with them on this fight. We don’t have any disputes with Top Rank.”

Sakaling maging matagumpay ang pamamaha­la ng Top Rank sa bakbakan nina Pacquiao at Matthysse ay posible ulit silang magsama sa pagsagupa ni ‘Pacman’ kay Vasyl Lomachenko.

“Hopefully, this fight with Matthysse is a big suc­cess and Manny is victorious, and then we can see if we can do a fight with Lomachenko with Top Rank in the fall,” dagdag ni Koncz.

Hahamunin ni Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) si Mat­thysse (39-4-0, 36 KOs) para sa hawak na WBA wel­terweight belt ng Argentinian superstar.

Samantala, kinumpirma ni Koncz ang paghirang kay Buboy Fernandez bilang bagong chief trai­ner ng Filipino boxing superstar sa paghahanda kay Matthysse.

“That’s Manny’s decision. Manny has told me Buboy will be handling the training on this fight,” sa­bi ni Koncz. “What’s important to Manny is that he has one voice to listen to in the corner that he trusts, and I guess that’s Buboy for this fight.”

Tuluyan nang tinapos ng 39-anyos na si Pacquiao ang kanilang relasyon ng 58-anyos na si Roach na nagsimula noong 2001.

Sinasabing nadismaya si Pacquiao sa mga pa­ha­yag ni Roach matapos ang kanyang unanimous de­cision loss kay Jeff Horn noong Hulyo ng nakaraang taon sa Brisbane, Australia.

Sa naturang laban ay nabitawan ni Pacquiao ang kanyang bitbit na WBO welterweight crown kay Horn.

“There was some concerns Manny had in the last fight and some statements Freddie made to the media that Manny wasn’t very pleased about,” wi­ka ni Koncz.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with