Sinalubong ni SBP Executive Director Sonny Barrios ang U-16 Batang Gilas team sa pangunguna ni head coach Mike Oliver sa kanilang pagdating mula sa China matapos pumang-apat sa FIBA Asia U-16 Cup para makakuha ng tiket sa FIBA U-17 World Cup sa Argentina sa Hunyo.
Batang Gilas bigating mga koponan ang haharapin sa 2018 FIBA World U-17
(Pang-masa) - April 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mabibigat ang mga ma­giging katunggali ng Batang Gilas matapos ang masaklap na official draw kahapon ng 2018 FIBA World Under-17 Championship sa Hun­yo sa Argentina.

Tatlo sa Top 10 na bansa sa world boys bas­ketball rankings sa ka­tauhan ng host Argen­tina (7), Croatia (8) at France (9) ang ma­ka­kasagupa ng No. 31 Ba­tang Gilas sa Group D.

Magugunitang naka-selyo ng puwesto ang ko­ponan sa World Cup ma­tapos pumang-apat sa likod ng Australia, Chi­na at New Zealand, ayon sa pagkakasunod, sa katatapos na FIBA Asia Under-16 Cham­pionship sa China.

Ang kampeon sa As­ya at World No. 10 Australia ay nasa Group A kasama ang Puerto Rico (18), Dominican Republic (25) at Turkey (4).

Natapat naman sa ma­lakas ding Group B ang China (12) kasama ang No. 1 USA, Serbia (6) at Mali (30) at ang Group C ay bubuuin ng New Zealand (33), Egypt (16), Canada (3) at Montenegro (34).

Lalabanan ng 16 ko­ponan ang kanilang mga kagrupo sa single round robin upang malaman ang kanilang mga puwesto papasok sa Round of 16 knockout phase kung saan magsasanib ang Group A at B at ang Group C at D.

Nakatakda ang torneo sa Hunyo 30 hanggang Hulyo 8 sa Rosario at Sta. Fe, Argentina.

Ito ang ikalawang pag­kakataon na naka­­pa­sok ang Batang Gilas sa World Cup buhat noong 2014 sa United Arab Emi­rates kung sa­an nag­­tapos ang koponan sa ika-15 puwesto.

Muling pangungunahan ni 7-foot-1 Filipino teen tower sensation Kai Sotto ang koponan ka­sama sina Raven Cortez, Terrence Fortea, RC Calimag af Forthsky Padrigao. (ADimasalang)

BATANG GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with