Dela Cruz pumana ng 2 gintong medalya
Francisco Cagape (Pang-masa) - April 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binigyan ni Paul Mar­ton Dela Cruz ang Philippine national team ng dalawang gintong medalya matapos mag­wa­gi sa Olympic round ng individual men’s compound event sa 20­18 Asia Archery Cup Stage 2 kahapon sa Rizal Me­morial Baseball field sa Malate, Manila.

Tinalo ni Dela Cruz si Chen Hsiang-Hsuan ng Chinese-Taipei, 10-9, sa shoot-off.

Nangyari ang shoot-off pagkaraang tumapos sila sa parehong 143 puntos mula sa pi­nakawalang 30 arrows at hindi na pinakawalan ni Dela Cruz ang gintong medalya.

Dumaan sa matin­ding laban si Dela Cruz patungo sa fi­nals.

Tinalo muna niya si Pan Yu Ping ng Chinese-Taipei sa second round, 144-140, at sinundan ng panalo laban sa isa pang Taiwanese na si Lin Hsin-Min sa quar­ter­fi­nals bago nagwa­gi kay Aman Saini ng India, 148-146, sa semifinal round.

Ito ang ikalawang gold medal ng 31-anyos na si Dela Cruz matapos sa indivi­dual men’s compound qualification noong Sabado na nag­bigay sa 2014 Asian Games bronze medalist ng top seed at first round bye sa Olympic round.

Sa kanyang kabu­u­ang 704 puntos mula sa 354 sa first round at 350 sa second round, tumabla siya kay Lin Che-Wei ng Taiwan ngunit naku­ha ng Filipino archer and panalo dahil mas ma­rami pa siyang arrows sa 10 at X rings, 57-46.

“Hindi ko talaga ina­­asahan ito. Nanatili lang ang focus ko kahit ninerbiyos na ako kaya lu­mabas ang best ko,” sabi ni Dela Cruz.

Ang iba pang miyem­bro ng national team ay sina Kareel Hongitan, Nicole Tagle, Pia Bidaure at Ferimi Bajado sa recurve women at  sina Amaya Paz-Cojuangco, Jennifer Chan, Andrea Robles at Rachell Dela Cruz sa compound wo­men.

ARCHERY OLYMPIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with