Miracle shot ni Arwind Santos
(Pang-masa) - April 6, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Kamay ng Diyos ‘yun.”

Iyan ang paglalarawan ni Arwind Santos sa kanyang nagliliyab na free throws sa huling mga segundo na siyang nagselyo ng tagumpay ng SMB kontra sa Magnolia sa Game Four ng umaatikabong 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup best-of-seven Finals kamakalawa sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa unahan lamang ng manipis na 82-80 sa huling 2.2 tikada, walang kaabog-abog na ipinasok ng beteranong si Santos ang kanyang parehong charities tungo sa 84-80 panalo ng Beermen na nagbigay sa kanila ng higanteng 3-1 kalamangan sa serye.

Hindi inako ni Santos ang papuri bagkus itinaas ito sa Maykapal na aniya’y siyang nagbuslo para sa kanya ng naturang free throws.

“God is good, sa akin binigay ‘yung dalawang free throws. Gusto kong makuha ‘yung panalo, noong na-shoot ko ‘yung dalawa, kamay ng Diyos ‘yun,” ani Santos.

Nagtapos ang kapitan ng Beermen na si Santos sa 13 puntos, 11 rebounds, dalawang assists at dalawang supalpal.

Ngayong kumakatok na sa kasaysayan tangan ang 3-1 kartada, hindi papipigil si Santos at ang iba pang Beermen na masikwat ang kanilang ikaapat na sunod na kampeonato.

“Sana lahat ng mga teammates ko, gustuhin na tapusin na,” aniya. (AD)

ARWIND SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with