^

PM Sports

La Salle pasok na

Pang-masa
La Salle pasok na

Dumipensa sina Jeanette Virginia Villareal at Angela Negrito ng FEU sa atake ni Ma. Angeli Estranero ng University of the Philippines. Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Pormal umusad sa Final Four round ang reigning women’s titlist na De La Salle University matapos ang straight sets na pagdurog sa University of the East kahapon, 25-8 , 25-14 , 25-12 sa second round ng eliminations ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Ang panalo ang ikasiyam para sa Lady Spikers kontra sa dalawang talo habang nahulog naman ang Lady Warriors sa kabaligtarang 2-9 record.

Nagtala ng 19 na excellent digs at 5 excellent receptions si reigning Best Libero Dawn Macandili upang tulungan ang Lady Spikers na maitala ang nasabing lopsided win.

Sa naunang laro, nasolo ng season host na Far Eastern University ang ikatlong puwesto matapos makamit ang ikapitong panalo kontra sa apat na talo sa pamamagitan ng  21-25, 25-16, 25-20, 25-22 paggapi sa University of the Philippines.

Maliban sa siyam na puntos, nagposte si Kyle Negrito ng 46 excellent sets upang giyahan ang panalo ng FEU kabalikat si Jeanette Villareal na tumapos na may career-high 15-puntos kapantay ng kanilang ace spiker na si Bernadeth Pons.

Sanhi ng kabiguan, pormal ng naipinid ang pintuan patungo sa Final Four para sa Lady Maroons sa pagbagsak nila sa ikawalong kabiguan sa loob ng 11 laban.

Samantala sa men’s division, sumulong na rin sa Final Four round ang defending men’s champion Ateneo de Manila at Far Eastern University pagkaraang magsipagwagi sa kani-kanilang nakatunggali.

Nalagpasan ng Blue Eagles  ang matinding hamon na ipinakita ng University of the Philippines Fighting Maroons, 24-26, 25-15, 25-18, 31-29 upang ganap na makausad sa Final Four round.

Nagsalansan ng game-high 30 puntos si reigning 4-time MVP Marck Espejo mula sa 25 attack points, 3 blocks at 2 aces upang giyahan ang Blue Eagles sa pagtatala ng ikalimang sunod nilang Final Four appearance habang ibinaba naman nila ang Fighting Maroons sa barahang 3-8.

Sa unang laro, namayani naman ang season host Tamaraws upang makamit ang ikalawang Final Four berth sa pamamagitan ng sweep kontra sa winless pa ring University of the East, (0-11) 25-19, 25-12, 29-27. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with