^

PM Sports

Batangas, Valenzuela asam ang semis

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa target ng Batangas at Valenzuela na makauna na tapusin ang kani-kanilang quarterfinal series para makausad sa semifinals ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League-Anta Rajah Cup na magpapatuloy ngayon sa Valenzuela Astrodome.

Makakasagupa ng Batangas ang Bataan sa unang laro, alas-7:00 ng gabi na susundan ng upakan ng Valenzuela at Quezon City sa alas-9:00.

Nakauna ang Batangas sa serye matapos ang 88-75 panalo sa Game-1 noong Martes sa Batangas City Coliseum na pinarisan ng Valenzuela matapos igupo ang Quezon City, 96-89 para ilapit ang kanilang mga paa sa semifinals.

Samantala, nagwagi naman ang Bulacan Kuyas sa Parañaque Patriots, 83-73 habang tinalo naman ng Muntinlupa Cagers ang Navotas Clutch, 83-77 upang makauna sa kani-kanilang best-of-three quarterfinal series, 1-0 noong Huwebes sa Bulacan Provincial Capitol Gymnasium.

Umiskor si Stephen Siruma ng personal conference high na 24 puntos sa kanyang 9-of-12 field goal shooting kabilang na ang apat na triples, walong assists at anim na rebounds para lumapit ang Bulacan ng isang hakbang tungo sa best-of-three semifinal round.

Sa magandang shooting ni Siruma, nagtayo ang Kuyas ng 75-59 bentahe, mahigit 3:30 minuto na lang ang natitira sa ikaapat na yugto.

Ang 16 puntos na kalamangan  ay ginawa nilang kalasag sa huling hirit ng Patriots na naibaba na lang sa limang puntos ang agwat,  70-75, may 1:17 minuto pa ang nalalabi sa laro sa pangunguna ni Juneric Baloria.

Hindi rin naman nagpahuli ang Muntinlupa Cagers na binanderahan ng 19 puntos nina Chito Jaime at 15 kay Felix Apreku tungo sa 83-77 panalo para sa kanilang 1-0 bentahe sa serye kontra sa Navotas Clutch. (FCagape)

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with