Nakabawi si Harden
HOUSTON – Nagtala ng masamang 2-of-16 fieldgoal shooting si James Harden sa regulation period ngunit bumawi siya sa overtime nang umiskor ng 10 sa 12 points ng Rockets para talunin ang Detroit Pistons, 100-96 at ilista ang kanilang pang-pitong sunod na panalo.
“Offensively we couldn’t get it going but (it’s) like that sometimes,” sabi ni Harden, tumapos na may 21 points para sa Houston. “Got to find ways to win games.”
Umiskor naman si Eric Gordon ng 22 points para sa Rockets na hindi nakuha ang serbisyo ni Chris Paul na namamaga ang left hamstring.
Ang basket at three-point play ni Harden ang nagbigay sa Houston ng 93-90 abante laban sa Detroit.
Nagdagdag pa siya ng tatlong free throws sa huling minuto ng laro kasunod ang tip-in ni P.J. Tucker para sa 98-90 kalamangan ng Rockets sa natitirang 21 segundo.
Kumolekta si Blake Griffin ng triple-double mula sa kanyang 21 points, 10 rebounds at 10 assists para sa Pistons.
Sa Orlando, humakot si Joel Embiid ng 17 points at 9 rebounds sa loob ng 20 minuto para akayin ang Philadelphia 76ers sa 118-98 panalo laban sa Magic.
Nag-ambag si Ersan Ilyasova ng 18 points para sa paglapit ng 76ers (41-30) sa pagdakma sa isang playoff berth.
Nag-ambag si Rodney Purvis ng 19 points mula sa bench, habang may tig-15 markers sina Robert Co-vington at Marco Belinelli para sa pang-limang dikit na ratsada ng Philadelphia.
- Latest