^

PM Sports

Bago ang import ng TNT Katropa

Pang-masa
Bago ang import ng TNT Katropa

MANILA, Philippines — Magpaparada ng bagong import sa katauhan ni Jeremy Tyler ang Talk ‘N Text sa nalalapit na 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup na nakatakdang magbukas sa Abril 21.

Kinumpirma ito ng sports agent na si Sheryl Reyes kahapon at inaasahang darating sa unang linggo ng Abril.

Malaking pasanin ang nakaatang sa 6’10 na si Tyler dahil kinakailangan niyang punan ang naabot ng orihinal sanang import ng KaTropa na si Joshua Smith na siyang bumuhat sa koponan hanggang sa Finals noong nakaraang taon.

Kasalukuyan pang naglalaro si Smith sa Kyoto Hannaryz sa Japan B League kaya’t hindi masasamahan ang koponan ngayon.

Ngunit hindi naman maitatanggi ang kakayahan ng bagong import ngayon ng KaTropa lalo na sa karanasan nito sa edad na 26-anyos pa lamang.

Matapos ang kanyang career sa San Deigo high school sa California, tumalon agad ito sa propesyunal na paglalaro ng basketball sa Israel Super League at Japan bago nagdesisyong sumali sa 2011 NBA Draft.

Napili siya bilang 39th overall pick ng Charlotte Bobcats bago i-trade sa Golden State Warriors kung saan siya naglaro hanggang 2013. Nalipat siya sa Atlanta Hawks sa parehong taon bago pinakawalan. Naglaro din siya sa NBA G-League, Chinese Basketball Association (CBA) at National Basketball League (NBL) sa Australia.

Samantala, kinuha rin ng Barangay Ginebra si Shane Edwards bilang pansamantalang import habang wala pa ang residente nitong reinforcement na si Justin Brownlee.

Ito ay dahil sa kasalukuyan pang paglalaro ni Brownlee para sa Alab Pilipinas sa Asean Basketball League. Sa Mayo pa inaasahang magtatapos ang ABL habang sisiklab na ang Commissioner’s Cup sa Abril 21. (AD)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with