^

PM Sports

Ika-8 panalo asam ng Petron

Pang-masa

MANILA, Philippines — Haharapin ng top seed Petron Blaze ang No. 8 seed Smart Prepaid habang magtatagpo naman ang second seed F2 Logistics at No. 7 seed Generika-Ayala ngayon sa umpisa ng second round elimination ng 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa Baliwag Sports Center, Baliwag, Bulacan.

Maghaharap ang Petron Blaze Spikers at Smart Giga Hitters sa alas-4 ng hapon at maglalaban ang Cargo Movers at Lifesa-vers sa alas-6 ng gabi.

Pagkatapos ng first round robin ng eliminations, namayani ang Petron sa kanilang malinis na 7-0 win-loss kartada, pumapangalawa naman ang F2 Logistics sa 6-1 card at nakuha ng Cocolife Asset Managers ang ikatlong puwesto sa 4-2 record.

Nagsosyo naman sa parehong 3-4 slate ang 2016 champion Foton Tornadoes, Cignal HD at Sta. Lucia Lady Realtors mula pang-apat na upuan hanggang sa pang-anim na puwesto sa parehong 3-4 record.

Nasungkit naman ng Generika-Ayala ang ikalawang panalo sa pamamagitan ng pagpadapa sa Cignal HD, 26-24, 18-25, 16-25, 25-22, 15-11 sa huling araw ng first round elimination noong Huwebes para sa 2-5 record at nangulelat naman ang Smart Prepaid sa 0-7 card.

Sa una nilang pagtatagpo, inilampaso ng Blaze Spikers ang Giga Hitters sa straight sets lamang, 25-12, 25-14, 25-17, noong Marso 1 kaya paboritong magwagi ang Petron laban sa Smart sa kanilang ikalawang pagtutuos.

Samantala, nalampa-san ng Foton ang hamon ng Sta. Lucia, 25-18, 22-25, 25-20, 28-26 para masungkit ang pangatlong panalo sa pitong laro sa huling araw ng first round elimination noong Huwebes ng gabi.

Umiskor ang Amerikanong import na si Brooke Kranda ng 30 puntos kabilang na ang 23 atake, isang block at anim na aces para pangunahan ang panalo ng Foton.

Dahil sa panalo, tumapos ang Foton sa fourth spot at makakasama ang se-cond seed F2 Logistics, No. 5 Cignal HD at No. 7 Generika-Ayala sa Pool B habang sa Pool A naman ang No. 1 Petron, No. 3 Cocolife, No. 6 Sta. Lucia at No. 8 Smart Giga Hitters. (FCagape)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with