^

PM Sports

Akari-Adamson pantay na sa CEU

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinamahan ng Akari-Adamson ang Centro Escolar University sa tuktok matapos ang kumbinsidong 101-83 tagumpay kontra sa University of Perpetual Help Sytem Dalta sa umaatikabong 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa lungsod ng Pasig.

Abante lamang ng tatlong puntos, 70-67 pagkatapos ng tatlong quarter, nagliyab ang Akari at gumawa ng 31 puntos sa final quarter upang ipagpag ang ginawang atake ng Altas.

Bunsod nito, umangat sa 8-2 ang Akari-Adamson kasosyo ang Scorpions sa tuktok ng 12-koponang liga, isang laro nalang ang nalalabi sa eliminasyon.

Napalakas din ng Akari-Adamson ang tsansa na masungkit ang isa sa dalawang tiket sa semifinals dahil sa malaking panalong ito at kung magwawagi sila kontra sa tanggal nang Jose Rizal University sa  Abril  5 sa kanilang hu-ling laban.

Humakot ng 15 puntos mula sa nakonektang limang tres si Egie Boy Mojica upang pangunahan ang balanseng atake ng Akari-Adamson.

Nag-ambag naman ng 16 na puntos at anim na rebounds ang Cameroonian import na si Papi Sarr habang may  14 puntos, siyam na rebounds, pitong assists sahog pa ang tatlong agaw ni Sean Manganti para sa Akari-Adamson.

Sa kabilang banda, nauwi naman sa wala ang 22 puntos at 10 assists ni Edgar Charcos gayundin ang tig-15 puntos nina Prince Eze at Kim Aurin para sa Perpetual na may tsansa pa rin sa playoffs sa kabila ng 3-6 kartada.

Samantala sa isa pang laro, umangat sa ikalimang puwesto ang Zark’s Burgers-Lyceum matapos ang 91-81 na panalo kontra sa JRU.

Tangan ngayon ang 6-4 rekord, may tsansang maselyuhan na ng Jawbreakers ang isa sa anim na silya sa playoffs kung mananalo sa Perpetual sa krusyal nilang sagupaan sa Abril 3.

Giniyahan nina Mike Nzesseu at CJ Perez ang atake ng Jawbreakers sa kinayod na 22 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with