^

PM Sports

Generika-Ayala nahagip ang ika-2 win

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinapos ng Generika-Ayala Lifesavers ang kanilang first round elimination assignments sa pamamagitan ng pagpatumba sa Cignal HD Spikers, 26-24, 18-25, 16-25, 25-22, 15-11 upang masungkit ang ikalawang panalo kahapon sa pagpapatuloy ng  2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Matapos ungusan ng Lifesavers ang HD Spikers, 26-24 sa unang set, medyo nahirapan silang pigilin si Sonja Milanovic ng Bosnia Hersigovina kaya naunahan uli sila 2-sets -1.

Ngunit bumawi sina Darlene Ramdin at Symone Hayden para humirit ng deciding fifth set.

Hindi na pinakawalan ni Ramdin at Hayden nang lumamang 11-9 para tuluyang angkinin ang laro pagkatapos ng mahigit  dalawang oras sa sunud-sunod na atake ni Ramdin.

Dahil sa panalo, umangat ang Lifesavers sa 2-5 win-loss kartada para manatili sa pang-pitong puwesto habang ang HD Spikers ay bumaba sa 3-4 record.

“We really have to win this game. But to do it, we just have to focus and play with our best. Ang good, we were able to do it. This is best preparation for the next round,” sabi ni Ramdin.

Umiskor ang wing spiker at 6’2 na si Ramdin ng 26 puntos kabilang na ang 23 na atake, dalawang blocks at isang ace para pangunahan ang panalo ng Lifesavers.

Ang isa pang panalo ng Generika-Ayala ni coach Sherwin Meneses ay sa wala pang panalong Smart Prepaid Giga Hitters, 25-21, 25-23, 23-25, 22-25, 15-11 noong Marso 13.

“I’m expecting a more tougher competition in the second round, that’s why we have to together well all the time,” dagdag ni Ramdin. (FCagape)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with