^

Punto Mo

EDITORYAL - Kabaong Bus Co. kailan igagarahe?

Pang-masa
EDITORYAL - Kabaong Bus Co. kailan igagarahe?

MARAMING karag-karag na pampasaherong bus na dapat ay iginagarahe na at hindi na pinapayagang ibiyahe. Pero nakapagtatakang nai-rerehistro pa at patuloy na pinapasada pa sa malalayong probinsiya. Ang mga bus na ito ang nagdadala sa mga pasahero sa hukay. Kawawang mga pasahero na nabibiktima ng mga bus na mistulang kabaong na yumayaot sa kalsada. Bakit nakakalusot ang mga Kabaong Bus sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO)? Karamihan sa mga bus na ito ay dispalinghado na ang preno.

Kung naghigpit ang LTFRB at LTO sa Dimple Star Bus hindi siguro nangyari ang malagim na aksidente sa Sablayan, Occidental Mindoro noong Martes ng gabi. Patungong Maynila ang bus nang maganap ang trahedya na ikinamatay ng 19 na pasahero at ikinasugat ng 21. Ayon sa mga nakaligtas na pasahero, mabilis ang takbo ng bus sa palusong at kurbadang kalsada. Hanggang mawalan ng control ang drayber at nahulog ang bus sa bangin.

Marami nang kinasangkutang aksidente ang mga bus ng Dimple Star na ikinamatay ng mga pasahero. Noong Hulyo 26, 2011, nahulog ang isang Dimple Bus sa Skyway sa Parañaque na ikinamatay ng tatlong pasahero at ikinasugat nang maraming iba pa. Katwiran ng driver ng Dimple, malakas ang hangin kaya nagdayb ang minamanehong bus.

Noong Okt. 31, 2014, binangga ng Dimple Bus ang isang 10-wheeler truck sa Star Tollway sa Batangas na ikinamatay ng dalawa katao, kabilang ang konduktor nito. Ayon sa mga pasahero, tila may sakit ang drayber at wala sa kondisyon habang nagmamaneho.

Sinuspinde na ng LTFRB ang lahat ng Dimple Bus. Ayon sa report, magsasagawa ng imbestigasyon ang LTFRB sa tunay na dahilan ng aksidente.

Ganito lagi ang kasunod na aksiyon ng LTFRB, sususpendehin ang Kabaong Bus Co. pero makaraan ang ilang buwan, papayagan na muling makayaot sa mga kalsada. Makakalimutan na ang nangyaring aksidente. At kung may magaganap muling trahedya saka na lang maghihigpit muli.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with