^

PM Sports

Batangas, Valenzuela nakauna

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kagaya ng inaasahan, nagwagi ang top seed Batangas Athletics kontra sa No. 8 qualifier Bataan Defenders, 88-75  habang naka-eskapo ang Valenzuela Classics sa Quezon City Capitals, 96-89 sa Game One ng kani-kanilang best-of-three quarterfinal series sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League-Anta Rajah Cup noong Martes ng gabi sa Batangas City Coliseum.

Umiskor si Val Acuña ng 16 puntos kabilang na ang siyam sa unang yugto habang si Teytey Teodoro ay umani ng 13 para sa Batangas Athletics.

Tumulong din si Mon Rogado ng 12 puntos at 11 mula kay Bong Quinto upang maiusad ng Athletics ang isang paa papalapit sa best-of-three semifinal round.

Ito na rin ang pang-apat na sunod na panalo ng Athletics sa kanilang teritoryo dahil din kay dating PBA player Lester Alvarez na gumawa ng 10 assists sa unang 20 minuto ng laro.

Sa kanilang 1-0 bentahe sa serye, sinabi ni coach Mac Tan na hindi magkumpiyansa dahil mahaba pa ang playoff round kabilang na ang semis at best-of-three finals.

“I told them hindi pa tapos ito.  The most difficult thing to do is to close out the series,” sabi ni Tan.

Sa ibang laro, nalampasan ng Valenzuela ang hamon ng QC Capitals sa dikit na laban mula nang maiwanan, 12-27 sa unang yugto.

Kumonekta si Drian Celada at Rocky Acidre ng back-to-back triples para agawin ang bentahe, 82-80, mula sa 63-72 deficit mahigit isang minuto ang natitira sa ikatlong yugto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with