^

PM Sports

Manila 10s International Rugby Festival

Mae Balbuena - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi lang pang karera, pang rugby pa ang Manila Jockey Club.

Nakipagkasundo ang Manila Jockey Club sa pamamagitan ng vice president ng marketing na si Eduardo Luis Ramirez de Arellano na pumirma ng Memoramdum of Agreement na maging venue ng tinaguriang ‘best social rugby tournament in the World” ng ESPN, ang Manila 10s International Rugby Festival sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona Cavite sa darating na weekend na libre sa publiko.

Handog ng Nomads Rugby, ang Manila 10s na unang rugby tournament na sinimulan noong 1989 para sa mga rugby clubs ay lalahukan na ngayon ng 24 teams na hinati sa apat na divisions depende sa skill levels (Cup, Plate, Bowl at Shield) bukod pa sa vete-rans division para sa teams na maglalahok ng mga players na edad 35-pataas.

Gumawa ang Manila Jockey Club ng dalawang football pitch sa San Lazaro Leisure Park kung saan idinaraos ang horse racing.

Ilan sa mga players ng Philippine Volcanoes ay maglalaro para sa iba’t ibang teams sa dalawang araw na torneong ito.

Gagawin ang ladies exhibition at juniors game sa linggo ng hapon, isa para sa Touch Rugby at may mix competition sa Sabado. May clinic din sa Linggo.

Magsisimula ang mga laro sa alas-9:00 ng umaga at magtatapos sa alas-5:30 ng hapon. Para sa mga karagdagang impormasyon, bumisita sa www.manila10s.com o sa facebook.com/Manila 10s.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with