^

PM Sports

Nat Geo Earth Day Run 2018

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pakakawalan ang Nat Geo Earth Day Run 2018, isa sa mga inaabangang running events sa bansa, sa Abril 22 sa SM Mall of Asia Grounds.

Nasa kanilang pang-siyam na taon, pinalakas ng Nat Geo Earth Day Run ang kanilang pangako para sa isang maayos na planeta sa pamamagitan ng panawagan sa mga “Eco Warriors” na maging bahagi ng karera na isasabay sa pagdiriwang ng International Earth Day.

Simula nang ilunsad ay umakit na ang Nat Geo Earth Day Run ng libu-libong mga runners sa buong Asya.

Inaasahan ng National Geographic ang paglahok ng humigit-kumulang sa 15,000 runners na tatakbo sa 3K, 5K, 10K, at 21K categories.

Ipagpapatuloy ng Nat Geo Earth Day Run 2018 ang pagtulong sa mga grupong nagnanais na pangalagaan ang planeta.

Nabigyan na ng suporta ng Nat Geo ang mag organisasyon at komunidad kagaya ng World Wide Fund for Nature, ang Tawbuid Mangyan Tribe sa Mindoro at ang Abuan Watershed sa Sierra Madre.

Ang mga interesado ay maaaring mag-log on sa Nat Geo Earth Day Run website (http://www.natgeoearthdayrun.com/). Ang registration fee para sa 3K category ay P750.00, sa 5K category ay P850.00, sa 10K category ay P950.00 at sa 21K ay P1, 400.00.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with